TULONG SA MGA BINAHA SA BICOL, VISMIN NILARGA

NANANATILING “in close contact” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at  northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibidwal na apektado ng pagbaha sa Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX) at Caraga Region.

Sa emergency meeting nitong Martes, ang lahat ng DSWD field offices ay nagbahagi ng updates ukol sa kanilang disaster response operations, kabilang na ang probisyon ukol sa family food packs at non-food items, at maging ang katayuan ng  prepositioning relief goods sa iba’ibang lokalidad.

“As of Dec. 26,” mahigit sa P3.2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang ibinigay ng DSWD sa Regions VIII, IX, at Caraga.

Iniulat naman ng DSWD offices sa tatlong rehiyon na mahigit sa 34,751 pamilya o 133,443 katao ang apektado ng  weather disturbance.

Sa nasabing bilang, 12,154 pamilya o 51,386 katao ang kasalukuyang nasa temporary shelter sa 142 evacuation centers na itinayo ng local government units sa mga apektadong lugar.
May kabuuang 133 bahay sa tatlong rehiyon ang napinsala.

Sinabi naman ni Field Office V Regional Director Norman Laurio na mahigit sa  17,100 pamilya o 69,042 indibiduwal ang apektado ng  flooding incident sa Bicol Region. (CHRISTIAN DALE)

27

Related posts

Leave a Comment