SA kasagsagan ng kalamidad na tumama sa Misamis Occidental, naging maagap ang tugon ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. sa mga kababayan na lumapit dito kamakailan lang.
Agad pinakiusapan ng mambabatas na kilala sa pagiging matulungin ang mga staff nito na agarang maghanda ng tulong sa naturang lalawigan.
“Ito ang mga pangyayari na dapat ay agarang mabigyan ng tulong at solusyon. Kawawa ang ating mga kababayan kung hindi agad masasaklolohan,” pahayag ni Teves na kilala sa programa nito na “Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon!”
Tatlong choppers na puno ng relief goods na may lamang, noodles, bigas, biscuit, t-shirt at iba pa ang mabilis na pinadala ni Teves patungong Oroquieta City, Misamis Occidental.
Kasabay nito, agad nagpaabot ng pasasalamat si Misamis Occ. Gov. Henry Oaminal sa mabilis na tulong at suporta ni Teves.
Muling pinatunayan ni Teves ang pagiging matulungin nito hindi lamang sa Negros kundi saan man sulok ng bansa.
