ULAN NI ‘TISOY’ INAASAHAN SA ANGAT DAM

angatdam77

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters.

Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan ang kakulangan ng tubig sa dam sa hatid na pag-uulan ng bagyong Tisoy.

“Itong bagyong Tisoy, kahit may pangamba sa mga epekto nito sa mga kababayan natin, sa punto naman po ng water supply e makakabuti po ito kung saka-sakali,” paliwanag ni David.

Ang Angat Dam ang syang pangunahing nagsusupply ng tubig sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng NWRB na kung hindi madaragdagan ang tubig sa dam ay asahan na ang kakapusan ng tubig pagsapit ng buwan ng Marso hanggang Mayo, gayunpaman, maganda ang forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) sa bagyong Tisoy na magdadala ng pag-uulan sa Bulacan at Pampanga kaya positibo ang ahensya na makatutulong ito para maibsan ang problema sa supply ng tubig.

 

200

Related posts

Leave a Comment