UMBAGERONG MISTER ARESTADO

CAVITE – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang gawing punching bag ang kanyang misis sa gitna ng kanilang pagtatalo sa bayan ng Noveleta, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas “Chard” dahil sa reklamo ng kanyang misis na si alyas “Alma” ng Brgy. Sta. Rosa, Noveleta, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pambubugbog ng lalaki sa ginang sa kanilang bahay sa Brgy. Sta. Rosa 1, Noveleta, Cavite.

Agad namang nagsumbong ang sugatang ginang kina Barangay Tanod Napoleon Jamil at Mark Mapili ng Brgy. Sta Rosa 1, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

(SIGFRED ADSUARA)

83

Related posts

Leave a Comment