UNDAS 2022 GENERALLY PEACEFUL – PNP

PAYAPA at matiwasay na nairaos ang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls Day sa bansa, ayon sa Philippine National Police.

Sa datos na ibinahagi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, walang naitalang krimen o karahasan ang pambansang kapulisan habang ginugunita ng sambayanang Pilipino ang Undas.
Wala rin umanong nakalap na anomang security threat ang PNP.

Sa dalawang araw na mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ay may mga nakumpiska lamang na mga ipinagbabawal na kagamitan mula sa mga taong nagtutungo sa mga sementeryo para maglinis at bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nauna nang nagpaalala ang PNP na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, gambling items, loudspeakers at matutulis na bagay sa mga sementeyo at pagsunod sa pinaiiral na heath protocols bunsod ng COVID-19. (JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment