USAPIN SA SOUTH CHINA SEA TATALAKAYIN NI PBBM SA ASEAN SUMMIT

KABILANG ang pinagtatalunang South China Sea sa pag-uusapan sa magiging pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia sa susunod na linggo.

“The South China Sea will also be there because we always carry that in all of our meetings in the international fora,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu.

Sa katunayan, nangunguna sa listahan ng mga paksa na pag-uusapan ay may kinalaman sa post-pandemic economic recovery at transformation.

“So that would cover food security, energy security, digital transformation and the digital economy, and also climate change in as much as this is very much related to our disaster management efforts in the Philippines,” ani Espiritu.

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Marcos patungong Cambodia para dumalo sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits mula Nobyembre 10 hanggang 13.

Ang ASEAN Summit ay itinuturing na “highest policy-making body” sa ASEAN dahil nagsasama-sama rito ang head of states ng gobyerno ng ASEAN member states.

Tinuran pa ni Espiritu na ang Pilipinas ang nagsisilbing forefront sa panawagan para sa implementasyon ng five-point consensus kaugnay sa peace situation sa Myanmar.

“With regards to international issues especially on Myanmar, we are very much at the forefront of the call for the implementation of the five-point consensus,” ani Espiritu nang tanungin kung anong usapin ang itutulak ng Pangulo sa regional meet. (CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment