VAN, TRICYCLE NAGSALPUKAN; 1 PATAY, 5 KRITIKAL

patay

QUEZON – Isa ang patay habang lima ang malubhang nasugatan sa salpukan ng tricycle at fish delivery van sa Maharlika Highway, Brgy. Villa Padua sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang namatay na si Victorino Delos Santos Calvelo, 70, isa sa mga pasahero ng tricycle, idineklarang dead on arrival sa ospital.

Apat pang sakay ng tricycle ang sugatan, na kinilalang sina Aileen Amolar Villapando, 35; Senen Delos Santos Amolar, 69; Jacinto Valderama Huin, 49, at isang 2-anyos na paslit na lalaki, pawang mga residente ng Barangay Camohaguin. Sugatan din ang driver ng tricycle na si Jose Amolar, 58-anyos.

Ayon sa report, sinalpok ng van ang tricycle sa kurbadang bahagi ng highway matapos na sakupin nito ang linya ng kasalubong dakong alas-3:00 ng hapon.

Agad isinugod ng sumaklolong mga tauhan ng Gumaca MDRRMO, Rescue KALASAG at Gumaca BFP, ang mga biktima sa ospital.

Ikinostudiya naman ng Gumaca Police ang driver ng van na si Jeremie Masayon, 37, taga Tanauan, Batangas, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple serious physical injuries. (NILOU DEL CARMEN)

31

Related posts

Leave a Comment