NANUMPA na bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas si Sara Duterte-Carpio.
Sa seremonyang ginanap sa San Pedro Square in Davao City, si Duterte-Carpio ay nanumpa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Suot ni Duterte-Carpio ang green Filipiniana na dinisenyo ni Davao-based designer Silverio Anglacer.
Kasama niya sa kanyang panunumpa ang amang si President Rodrigo Duterte, inang si Elizabeth Zimmerman at asawang si Atty. Manases Carpio.
Dumalo rin si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Ako po si Inday Sara. A proud Dabawenya. A proud Mindanaoan.
Hindi ako ang pinakamagaling o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo.
Ngunit, walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas! Daghang salamat!,” bahagi ng inaugural address ni Duterte.
68