WANTED SA RAPE SA MARINDUQUE, NATUNTON SA MAYNILA

HINDI akalain ng isang 46-anyos na lalaki na siya ay madadakip sa ginawang krimen makaraang magtago sa kasong rape ngunit matunton sa tinutuluyan niyang bahay sa San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Allan Lecaros, may asawa, tubong Boac Marinduque at nanunuluyan sa Sagrada Familia Street, San Andres Bukid.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District Sta. Ana Police Station 6 , bandang alas-3:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay, ayon sa ibinigay na impormasyon ng isang impormante.

Naaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Major Geuel Capuz, ng Intelligence Section, kasama si Renato Ramento ng Warrant and Follow-up Section, kaagapay ang mga tauhan ng 1st MF, RMFB ng NCRPO, na pinamumunuan ni Police Captain John Lloyd Bawag, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Emmanuel Recalde, ng Regional Trial Court Branch 38 ng Boac Marinduque, sa kasong rape. (RENE CRISOSTOMO)

209

Related posts

Leave a Comment