IGINIIT ng chair ng House of Representatives labor and employment committee na kailangan magkaroon ng kasanayan (skillset) ang mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program para magamit nila habang nagtatrabaho sa pamahalaan.
“We can improve the value of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program by providing our beneficiaries with opportunities to gain new knowledge that would give them a better chance at finding employment or starting small businesses,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.
Ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho mula 10 hanggang 90-araw para sa nawalan ng trabaho, kulang sa trabaho at pana-panahong trabaho.
Samantala, pinuri naman ni Nograles ang programa sa mga Pilipino sa panandaliang trabaho sa panahon ng emergency na sitwasyon, binigyang-diin niya dapat isipin ng gobyerno ang pangmatagalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga benepisyaryo upang hindi sila umasa dito.
“Beneficiaries can only avail of the program once a year, so we have to think about what comes after. Kung may nakakabit na training program kasabay ng short-term work, hindi lang doble ang value na maidadagdag natin sa benepisyong bigay ng programang ito,” dagdag pa ng mambabatas.
Hinimok din niya ang DOLE na magtulungan kasama ang akademya at ang Technical Education and Skills Development upang makabuo ng panandaliang mga module ng pagsasanay na maaaring piliin ng mga benepisyaryo.
“By providing them with learning opportunities we open more doors for them towards attaining a sustainable livelihood,” ayon pa sa mambabatas.
“Hindi rin kasi biro ang pondong inilalaan natin para sa TUPAD. There has to be an end-game that will benefit those that the program serves in the long-term,” dagdag pa niya.
Para sa taong 2024, ang TUPAD program ay naglaan ng P28.867 billion. Ang panukalang budget para sa taong 2025 para sa programa at ang Government Internship Program ay P20.28 billion. (JOEL O. AMONGO)
72