MORE TRAINING PROGRAMS HIRIT NI REP. NOGRALES SA MARCOS ADMIN

(JOEL O. AMONGO)

HINIKAYAT ni House labor and employment committee chairman, Rizal 4TH District Representative Fidel Nograles ang gobyerno na gumawa ng mga programa sa pagsasanay at upskilling na mas madaling ma-access bilang panlaban sa underemployment.

Ito ay matapos maitala ang pinakamababang antas ng unemployment mula Abril 2005 o sa nakalipas na dalawang dekada.

“Nagagalak tayo na mas maraming kababayan natin ang nakapaghanap ng kabuhayan. But the increase in underemployment is perhaps a clue that our fellow Filipinos need more training to improve their viability for higher quality jobs,” ani Nograles.

“Kaya’t mahalaga na damihan pa natin ang mga training at upskilling programs para sa mga kababayan natin. Kung hindi libre, lumikha tayo ng sistema para mas madali nilang mabayaran ang training,” dagdag pa niya.

Sa pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas kamakailan, inihayag nito na ang Philippines’ unemployment rate ay napabuti sa 3.1 percent noong Hunyo 2024, katumbas sa 1.62 milyong Pinoy.

Ang unemployment rate ay nakapagtala ng 4.1 percent o 2.11 milyong Pilipino sa Mayo ngayong taon at 4.5 percent or 2.33 milyong Pilipino noong Hunyo 2023.

Ang pigurang ito ay halos kaparehas sa naitalang mababang 3.07 percent na itinakda noong Disyembre 2023.

Ang bilang ng underemployed Filipinos, gayunpaman, ay tumaas sa 6.08 million, o rate ng 12.1 percent, mas mataas sa 4.82 million o 9.9 percent noong nakaraang Mayo 2024, at 5.87 million o 12 percent sa Hunyo nakaraang taon.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Nograles ang Marcos administration para sa kanilang mga pagsisikap sa pagbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

“Over these past months we have been making great strides in terms of providing jobs to our countrymen. Naniniwala tayo na habang patuloy na inaayos ng pamahalaan ang iba’t ibang sektor at maging ang investment climate ng bansa, matutugunan din ang kalidad ng trabaho na makakatulong sa mga kababayan natin na taasan ang kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga pamilya,” pahayag pa ng mambabatas.

111

Related posts

Leave a Comment