PINURI ng chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ang pagtaas ng foreign direct investments (FDIs) sa bansa na makatutulong para magkaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas kamakailan, lumalabas na ang FDI net inflows noong Hulyo 2024 ay tumaas ng 5.5 percent hanggang $820 million mula sa $778-million net inflows na naitala noong Hulyo 2023, at ito ang pinakamataas mula sa $1.366 billion na naitala noong Pebrero ngayong taon.
“I am glad that other countries see the viability of business in the Philippines, and we must give credit to the national government led by President Ferdinand Marcos, Jr. for their efforts in convincing foreign partners to invest in the nation,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.
Binigyan-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng FDIs sa pagbuo ng trabaho lalo na’t maramihang mamumuhunan ay nakadirekta sa sektor ng pagmamanupaktura, real estate at iba pang industriya.
Ang pagmamanupaktura ay nakapagtala ng 71 percent noong Hulyo 2024 FDIs, habang ang real estate ay 17 percent, at ang iba pang industriya ay 12 percent.
Samantala, sa BSP’s data ay lumalabas din na mula Enero hanggang Hulyo, nagmanupaktura ng 76 percent, kasunod ng iba pang industriya na nakapag-ambag ng 13 percent, at real estate na may 10 percent.
“The surge of FDIs in these sectors, particularly in manufacturing which is one of the most important drivers of economic transformation, will help us scale up our output and create higher-value products, meaning there will be more and better jobs for Filipinos,” dagdag pa ni Nograles.
Optimismo ring ipinahayag ni Nograles na ang pamahalaan ay patuloy sa kanilang mga pagsisikap na alisin ang mga hadlang sa pamumuhunan ng dayuhan sa bansa.
“I believe that the government is intent on addressing deterrents such as taxes, high power rates, and red tape to encourage more foreign investors,” pahabol pa ng mambabatas. (JOEL O. AMONGO)
50