REP. NOGRALES PABOR BIGYAN NG SHORT COURSES K-12 GRADS

(JOEL O. AMONGO)

PINABORAN ng kinatawan ng ikaapat na distrito ng Rizal ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng short courses ang mga nagsipagtapos ng K to 12 upang mapalakas ang kanilang employability.

Ayon kay House committee on labor and employment Chair Fidel Nograles, suportado niya ang anomang hakbang para matulungan ang mga graduate na agad makakuha agad ng trabaho.

Matatandaang bigong matupad ang layunin ng K to 12 program na mapagbuti ang employability ng mga nagsipagtapos kaya ipinanukala ni Marcos na bigyan ang mga ito ng dagdag na kaalaman.

Katunayan, isa sa mga iminungkahi niya kay DepEd Sec. Sonny Angara ay bigyan ng kurso na tatagal lamang ng tatlo hanggang anim na buwang ang nagtapos ng K to 12.

Para kay Nograles, mahalaga na makipag-ugnayan sa pribadong sektor upang masiguro na ang ibibigay na short courses ay tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mga industriya.

“Syempre, hindi naman tayo nago-operate sa isang vacuum. Kaya kailangan talaga magtulungan ang private sector at pamahalaan para masiguro na angkop ang mga short courses sa mga pangangailangan sa iba’t ibang industriya,” ayon sa mambabatas.

311

Related posts

Leave a Comment