Serbisyong Nograles Walang Kapares P15K PUHUNAN INIHATID SA 300 MONTALBEÑO

(JOEL O. AMONGO)

IKINATUWA ng nasa 300 Montalbeño ang natanggap na P15,000 mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles.

Sa tulong ng ‘Serbisyong Nograles Walang Kapares’, isinagawa ang pamamahagi ng P15,000 sa 300 mga residente ng Montalban noong Setyembre 24, 2024 sa Brgy. Balite.

Umaga pa lang ay inayos ng mga tauhan ni Nograles ang mga dokumento ng mga benepisyaryo kaya pagdating ng mga tauhan ng DSWD ay mabilis na naisagawa ang distribusyon ng tig-P15,000.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga barangay ng Balite, Burgos, Geronimo, Macabud, Manggahan, Mascap, Puray, Rosario, San Isidro, San Jose at San Rafael.

Ayon kay Nograles, ang distribusyon ng nabanggit na halaga ay para magkaroon ng karagdagang puhunan ang mga Montalbeño na kinabibilangan ng mga mangangalakal ng basura, magsasaka, magbababoy at street vendors.

Ikinatuwa ni Nograles na ini-release ng DSWD ang naturang halaga na malaking bagay para sa kanyang mga kababayan.

Aniya, hindi siya magsasawa sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno para magkaroon ng ayuda ang kanyang mga kababayan.

Sinabi pa ng chair ng House labor and employment committee na hindi lang karagdagang puhunan mula sa DSWD para sa mga nanay at tatay ang kanyang binibigyan ng pansin kundi maging ang edukasyon ng mga kabataan ng Montalban sa ilalim ng kanyang Future Natin Program.

Labis-labis naman ang kasiyahan ng mga residente ng Montalban dahil sa pagsisikap ni Nograles ay nagkaroon sila ng karagdagang puhunan sa kanilang mga negosyo.

Anila, malaking bagay ang naturang halaga na kanilang natanggap, lalo pa at nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan ay inaasahan nilang lalakas ang kanilang mga munting pinagkakakitaan.
Idinagdag pa nila na kakaiba si Nograles sa mga nagdaang kongresista dahil siya ay may malasakit sa kanyang mga kababayan.

Wala rin umanong pinipiling bigyan ng tulong si Nograles.

“Pangarap po natin na palaguin at itaguyod ang kabuhayan ng ating mga kapus-palad na kababayan. Bagamat matumal ang mga negosyo sa hirap ng panahon ngayon, kasama po ninyo ang inyong lingkod, at sabay-sabay po tayong babangon muli. Congratulations po sa inyong lahat,” bahagi ng pananalita ng mambabatas.

26

Related posts

Leave a Comment