Undergrads tutulungang magka-degree REP. NOGRALES ITINULAK PAGSASABATAS NG ETEEAP

UMAASA si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na mabilis na maisasabatas ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Kasabay nito, pinasalamatan ni Nograles ang mga kapwa mambabatas sa pag-apruba sa panukalang ETEEAP upang maiakyat ito sa tanggapan ng Pangulo at maisabatas.

Paliwanag ni Nograles, sa pamamagitan ng panukalang ito ay matutulungan ang mga undergraduate professionals na makakuha ng bachelor’s degree sa pamamagitan ng alternatibong college-level education program.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga counterpart sa Senado sa pagpasa ng panukalang batas na ito. Umaasa tayo na sa lalong madaling panahon ay pipirmahan na ito ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang makinabang ang mga empleyadong walang diploma na makakuha nito at magkaroon ng pagkakataon na ma-promote sa trabaho,” ani Nograles sa isang panayam.
Ang ETEEAP ay magbibigay-daan sa mga empleyado na hindi nagtapos para magka-diploma at magkaroon ng mas magandang posisyon sa kanilang trabaho.

Pinuna ni Nograles ang kalagayan ng maraming manggagawa na nagtapos ng high school ngunit hindi na tumuloy sa pag-aaral dahil sa kahirapan.

Base sa itinakdang qualifications para maging kwalipikado sa ETEEAP, kailangan ay Filipino citizen, hindi bababa sa 23-anyos at may hindi bababa sa limang taong aggregate work experience. (JOEL O. AMONGO)

85

Related posts

Leave a Comment