10 MOST COMMON NEW YEAR’S RESOLUTIONS

PUNA

PARA sa ‘Spirit of Christmas’ ay tatalakayin po muna natin ang gusto na­ting mabago para sa ating mga sarili pagpasok ng Bagong Taong 2020.

Batay po sa pag-aaral ng mga eksperto, mayroon pong ‘10 most common New Year’s Resolutions’ na gustong gawin ng bawat tao.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 1) Exercise more, 2) Lose weight, 3) Get organized, 4) Learn a new skill or hobby, 5) Live life to the fullest, 6) Save more money/spend less money, 7) Quit smoking, 8) Spend more time with family and friends, 9) Travel more at 10) Read more.

Kung masusunod ang mga New Year’s Resolution na ito ay magiging masaya ang bawat pamilyang Pinoy.

Bukod po sa pagmamahal sa pamilya, ang mga most common resolution na ito ay para rin sa kalusugan ng bawat isa at tagumpay na rin natin sa buhay.

Bagama’t hindi binanggit sa most common New Year’s Resolution ay ‘wag nating kalimutan ang pagmamahal sa ating kapwa.

Sila po ay parte rin ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Tulad po nitong Disyembre 24 habang nagdiriwang po tayo ng Kapaskuhan dito sa Metro Manila ay binabayo naman ng malalakas na ha­ngin at ulan na dulot ng Bagyong Ursula ang Kabisayaan.

Bagama’t matinding hagupit ang kanilang inabot mula sa nagdaang bagyo, kung tutulu­ngan po natin sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang pangangailangan ay maiibsan ang hapdi na kanilang sinapit.

Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Ad­ministration, mahigit kumulang sa 20 bagyo ang dumarating sa bansa taun-taon.

Pero kung lagi tayong handa lalo ang lahat ng sangay ng gobyerno, maging ang pribado mang tanggapan ay mas mabuti po sana.

Wala pong ibang magtutulungan kundi tayong kapwang mga Pinoy.

Ayon po sa nasusulat sa Biblia, ang pagmamahal sa ating kapwa ay pagpapakita na rin natin ng pagmamahal sa Panginoon.

Naniniwala po ang Puna na ang mga Pinoy ay maawain sa lahat ng tao.

Kung tayo po ay magtutulungan, lahat ng mga mabibigat na suliranin ay magiging madali.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa ating lahat.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)

335

Related posts

Leave a Comment