2 FIL-CHINESE, HANDLER NG HUMAN SMUGGLING SA AIRPORT

BISTADOR Ni RUDY SIM

MAGANDA ang hangarin ni Department of Justice (DOJ) ­Secretary Jesus ­”Boying” Remulla na bigyan ng hustisya ang mga umano’y ­biktima ng extra judicial killings na nangyari sa nagdaang administrasyon ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte makaraang lumapit umano ang ilang ­miyembro ng kapulisan na sila’y napilitan lamang sumunod at nakahandang tumestigo upang isiwalat ang katotohanan sa war on drugs.

Ngunit tila walang pangil at kamandag ang pamamahala ni Remulla sa DOJ upang kanya munang linisin ang sarili nitong bakuran partikular ang Bureau of Immigration (BI) na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan kung saan ay patuloy pa rin ang walang habas na buhos ng Vietnamese nationals sa bansa na siyang ginagawang gatasan ng ilang matataas na opisyales ng BI na nakatalaga sa ating mga paliparan partikular sa NAIA.

Sa mga sumbong na ating natatanggap mula sa ­ordinaryong mga empleyado ng ahensya na sukang-suka na sa bulok na sistema na umiiral sa naturang ahensya ay kanilang ibinahagi ang kanilang nakikita at nalalaman sa nangyayaring katiwalian upang makarating kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanilang panawagan na magkaroon ng malawakang ­balasahan sa NAIA.

Ayon sa ating source sa NAIA na itatago natin sa pangalang “Ninoy”, mismong ang ilang tauhan umano ng Port Operations Division ang nakikipag sabwatan sa dalawang Filipino Chinese businesswoman na sina alias “Betty Chuwawa” at “Anna Sisig” na siyang handlers at nagmamaniobra ng pasaherong Vietnamese nationals sa tatlong terminal na itinitimbre umano sa kanilang kontak na Immigration officers at kapag nakapasok at nakalabas na mula sa Immigration counters ay dito na nagkakaroon ng bayaran sa loob ng sasakyan sa mismong parking lot upang makaiwas sa CCTV.

Ang sindikato sa NAIA ay kinabibilangan umano ng isang grupo na dikit sa mataas na opisyal at ang tinatawag nilang “supplier” ay admin na ­tagakolekta ng kinikita sa mga pasahero na P15-20K kada isang ulo sa mga handler at ire-remit sa loob ang P10k na iniipon at pinaghahatian umano ng grupo sa kanilang cut off kada isang linggo at lahat umano ng miyembro ay tumatanggap ng weekly na P50K-P60k.

Ang dalawang Fil-Chinese na sina Anna at Betty ay kumare umano ng isang beteranong baklitang opisyal ng BI kung kaya’t malakas ang loob at muling nabuhay ang kanilang iligalidad. Nararapat na sigurong makialam ang Palasyo na balasahin ang mga opisyales upang hindi na muling lumala ang korapsyon sa ahensya.

Gaano kaya katotoo ang balita na matapos magpasarap ng isang mataas na opisyal ng BI-airport sa isang eksklusibong American night club at magpa­raos sa mga magagandang bebot ay minsan na itong nagpabili sa kanyang tauhan ng “anti-biotic” hmm.. Tulo?? Aba, sir, try mo “Tide powder” mura na amoy fresh pa.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

99

Related posts

Leave a Comment