MAY kanya-kanyang ugali ang dalawang klaseng tao na talunan sa nakalipas na May 9 national and local elections.
Una, ang talunan na ayaw tumanggap ng resulta ng halalan, agad silang nagsagawa ng protesta riyan sa harapan ng Commission on Election (Comelec) sa Intramuros, Maynila.
Pinoprotesta nila ang resulta ng bilangan na kitang-kita kung paano ni-landslide ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) si Leni Robredo.
Sa nakuhang pinakahuling impormasyon ng PUNA, as of May 11, 2022 alas-9:02 ng umaga nakapagtala ng boto si BBM ng 31,075,480 at si Robredo ay may 14,808,327.
Ito ay mula sa 98.24% kabuuang Election Returns na nabilang at mula sa 55,140,669 votes sa 67,442,616 registered voters.
Ang bilang na ito ay nagpapakita lamang na tugma ang mga isinagawang survey ng Pulse Asia, SWS, Manila Bulletin Tangere, Laylo Report, Publicus Asia at Issues and Advocacy Center at marami pang iba na mas mataas lagi si BBM sa 50% hanggang sa umabot pa siya sa 64%, isang araw bago ang eleksyon.
Lumabas na ang resulta ng bilang ng mga bumoto kay BBM, na nagpapatunay lamang na ‘yan ang totoong bilang ng mga bumoto sa batang Marcos.
Mahirap bang tanggapin ang katotohanan? Katotohanan ang magpapalaya sa inyo sa inggit at galit sa inyong mga dibdib. Move on na minsan, kung may time!
Pangalawa, may talunan na tanggap ang resulta ng nakaraang eleksyon, tulad ni Manila Mayor Isko Moreno.
Naglabas siya ng pahayag na igagalang ang resulta ng eleksyon at susuportahan si BBM. Iwasan ang kaguluhan dahil lamang ayaw tumanggap ng pagkatalo.
Mas lalong kaduda-duda kung si Robredo ang nanalo laban kay BBM dahil hindi naman siya nakakaabot sa mataas na survey ratings ni BBM.
Kung ganyan ang mga pananaw ninyo, ibig sabihin ayaw n’yong magkaroon ng katahimikan ang ating bansa.
Wala kayong kaibahan sa mga teroristang/komunistang CPP-NPA-NDF na walang ginawa kundi guluhin ang gobyerno para ang kanilang pamahalaan ang ipalit.
Hindi kayo magtatagumpay dahil sa kabuuang 67.4 million registered voters ay halos kalahati nito ang bumoto kay BBM (31M).
Sa eleksyon ay paramihan ng boto at hindi kailangan lahat ng registered voters ay bumoto sa kandidatong mananalo.
Sa ganang akin, si BBM ang kauna-unahang “majority president” sa kasaysayan ng Pilipinas.
Kaya kayong CPP-NPA-NDF, tuluyan na kayong malulusaw sa mga susunod na taon. Bye! Bye! Bye!
Buti na lang sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalansag sa inyo, itutuloy na lang ni BBM.
Ngayon, ang suhestiyon ko sa inyong ayaw tumanggap sa pagkapanalo ni BBM, umalis kayo sa Pilipinas, magtayo kayo ng sarili n’yong bansa at doon siguradong kayo ang masusunod.
Hiyang-hiya naman kami sa inyo nuh!?
Malinaw pa sa sikat ng araw ang pagkapanalo ni BBM, ayaw n’yong tanggapin!? Magsilayas kayo? Mga pasaway kayo! Sumunod kayo kay Rowena Guanzon!
Kung manggugulo kayo, may karampatang parusa laban sa inyo.
‘Wag n’yong sagarin ang pasensiya ng mga awtoridad.
Kung wala kayong permit sa pagsasagawa ng protesta ay may paglabag na kayo sa batas, pwede na kayong arestuhin.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0916-441-71-63.
275