2022 PITMASTERS CUP 10-STAG DERBY SA MANILA ARENA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

INAABANGAN na ng bayang sabungero ang finals ng 2022 Pitmasters Cup 10-stag derby (local band edition).

Ginaganap ang derby na ito sa Manila Arena na ­matatagpuan sa Panadero St., Sta. Ana, Maynila.

Ang 3-stag elims/3-stag semis/4-stag finals ay itinakda mula September 26, 28, 30, October 2, 4, 6 & 8, 2022.

Nasa P88,000 ang pot money habang P55,000 naman ang minimum bet.

Aarangkada naman ang 3rd elimination ngayong araw, September 30.

Dito’y magsasalpukan ang mga nasa Set C.

Sa darating na Linggo, Oct. 2, ay magtutuos naman sa 3-stag elims ang mga nasa Set D.

Magaganap ang unang sigwada ng semi-finals sa Oct. 4 kung saan magsasagupa ang mga hari sa Set A & B.

Sa Oct. 6 naman, maghaharap din ang mababangis sa Set C & D (3-stag semis).

Napag-alaman na ang inaabangang grand finals ay itinakda sa Oct. 8, 2022, Sabado (4-stag finals).

Sinasabing ang magkakampeon ay makatatanggap ng tumataginting na P30 milyon.

Sa mga sasabak sa elims, nanawagan ang Pitmasters na kumpletuhin ang mga pangalan ng mga staff na papasok sa arena para maiwasan ang aberya.

Siyempre, mahigpit kasi ang arena at kapag wala raw sa listahan ay hindi papapasukin.

Ibig sabihin, kung sino lang ang mga nasa official list ay iyon lang ang papayagang pumasok.

Para naman daw sa mga staff na nasa arena, huwag tayong magkakalat.

May mga tamang lugar para pagtapunan ng mga kalat gaya ng upos ng yosi.

Bukod dito, hinikayat din ng organizer ang lahat ng ­owners na i-settle ang lahat ng payables pagkatapos ng laban.

At ang pinakamahalaga sa lahat, sumunod sa lahat ng restrictions o conditions para sa maayos na labanan.

Maraming salamat po at God bless!

333

Related posts

Leave a Comment