26 OFWs SA RIYADH, NAGMAMAKAAWA NANG MAKAUWI NGAYONG PASKO

Aksyon OFW

HIGIT tatlong buwan nang nasa accommodation ng Al Mawarid Company ang 26 na kalalakihang OFWs sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Nakausap ko via video call si OFW Jonito Ponsaran, tubong Iloilo City, at ­nag-ma­makaawa silang ­mabigyan ng konting perang pambili ng mga personal hygiene, iba pang pangangailangan at pagkain ng grupo.

Sila ay pansamantalang nakatira sa accommodation building ng Al Mawarid Manpower Services sa New Industrial City, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Tapos na umano ang kanilang kontrata sa nasabing kompanya, walang kinakaharap na mga kaso roon at nag-expired na rin ang Iqama at exit visa ng kanilang mga kasama.

Ikinakatwiran umano ng ahensya na hindi sila mabilhan ng tiket ngayon dahil sa peak season at mahal ang presyo nito.

Ang request lang nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ay magpadala ng chartered flight sa Riyadh para makauwi sila sa bansa bago mag-Pasko para makapiling na ang kanilang pamilya.

Hindi raw sila pinapansin ng POLO-OWWA at Phil. Embassy sa Riyadh kung kaya’t napilitan silang humingi ng tulong sa Aksyon Bantay OFW at maging kay Pangulong Duterte.

Good News!

Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may 15,000 trabaho ang inaalok nila sa hybrid job fairs kasabay ng 88th founding anniversary nitong Sabado.

Umabot sa 224 ­employers ang nakilahok sa job fairs na may 15,569 na bakanteng trabaho.

Karamihan sa mga alok na trabaho ay customer service representatives, production work­ers, sewers, sales associates, salesmen, office staff, helpers, at kitchen crew.

Samantalang 35 recruitment agencies ang nag-alok ng 2,971 trabaho sa abroad, kabilang na ang ­registered nurses, bakers, auto ­mechanics, household service workers, at kitchen crew para sa bansang Saudi Arabia, ­United Kingdom, Germany, Japan, Kuwait, at Qatar.

Ikinatuwa naman ng DOLE ang pagtaas ng employment level sa bansa base sa October 2021 labor force survey sa kabila ng pandemya.

Tumaas sa 235,000 Pinoy ang nagkatrabaho mula noong September hanggang October 2021 na nagtala ng 43.826M mula sa 43.59M.

Hanggang sa susunod na pagtugon at aksyon sa mga hinaing ng ating mga Kabayaning OFW.

Para sa inyong, komentaryo, suhestiyon at opinyon, ipadala lang ito sa aking email address, dzrh21@yahoo.com.

7

Related posts

Leave a Comment