DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)
AYAW pa ring tumigil ng mga makakaliwang grupo sa kanilang pakikibaka.
Bagama’t humihina na sila, patuloy silang nanggugulo sa gobyerno.
Ngunit hindi sila papayagan ng pamahalaan na magpatuloy sa kanilang armadong pakikibaka. Susugpuin ng gobyerno ang mga ito.
Mariin namang kinondena ni Quezon Gov. Helen Tan ang naganap na engkwentro sa pagitan ng 85th Infantry Battalion at hinihinalang Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA).
Sinasabing nangyari ito, humigit-kumulang limandaang metro mula sa hangganan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte.
Tiniyak naman ng gobernadora na hindi kailanman papayagan ng pamahalaang panlalawigan ang armadong pwersa na basagin ang katahimikan at kapayapaan sa probinsya ng Quezon.
Aniya, “patuloy na kumikilos ang pamahalaang panlalawigan at nakikipag-ugnayan sa pinagsama-samang pwersa ng Sandatahang Lakas, pulisya, at mga sibilyan upang tiyakin na mananatiling “insurgency-free” ang probinsya.”
Samantala, itinataguyod naman ng provincial government ang mga produktong sariling atin.
Nabatid na bilang bahagi ng 34th Philippine Travel Mart, ibinandera ng pamahalaang panlalawigan ang mga gawang lokal at produktong gawa nila.
Kamakailan nga, bumida sa booth ng Quezon Province ang masarap na lambanog, tangerine chocolates, at iba pa na nagpapakilala sa yaman at ganda ng lalawigan.
Tampok din dito ang agri-tourism destinations tulad ng 4K Cacao Farm ng Gumaca, Habilis Farms ng Tayabas, Lukong Valley Farm ng Dolores, Bukid Amara ng Lucban, at Girasoles Farm ng Candelaria.
“Inaanyayahan po namin kayo sa aming probinsya. Tangkilikin at tuklasin ang Land of Thousand Colors ng Pilipinas!” pahayag pa ng masipag na gobernadora.
Mabuhay po kayo at God bless!
327