52ND SEAMEO COUNCIL CONFERENCE AT TRANSPARENT GOVERNANCE SA QUEZON

TARGET NI KA REX CAYANONG

UMARANGKADA na nga pala ang ika-52 Southeast Asian Ministers of Education Organization Council Conference (SEAMEO) sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City nitong Miyerkoles.

Ang pagbubukas ng SEAMEO Council Conference ay pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.

May temang “Transformation through Learning Exchange: Building Resilient Systems as a Region,” ang event ay dinaluhan ng mga delegasyon mula sa 11 bansa mula sa Timog-Silangang Asya.

Kasama rito ang Pilipinas bilang host, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste at Vietnam.

Muling binigyang diin ni VP Sara ang kahalagahan ng papel ng education leaders sa Southeast Asia para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon na sinubok ng pandemya.

“We recently launched our MATATAG agenda. Matatag is the Filipino word for resilience. This is our commitment to the country, our learners, and our fellow Filipinos as we work towards improving the basic education sector,” wika ng vice-president.

“The Matatag agenda acts as a roadmap of the department as we develop and prepare initiatives to support the Southeast Asian education sector and the Seven Priority Areas of SEAMEO from 2023 to 2025.”

Sa totoo lang daw kasi, ayon sa pangalawang pangulo, maraming isyung hinarap ang education sector na nagresulta sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon.

Well, Congrats din kay VP Sara sa pagkakahalal niya bilang bagong presidente ng SEAMEO Council kung saan magsisimula ang kanyang termino ngayong 2023 hanggang 2025.

Samantala, pinagkalooban nga pala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lalawigan ng Quezon ng Seal of Good Financial Housekeeping.

Ang Quezon ay kasalukuyang nasa ilalim ng mahusay na liderato ni Governor Dra. Helen Tan.

Ayon kay Dra. Tan, “ang pagkilalang ito ay ibinibigay lamang sa mga Lokal na Pamahalaan na nagpakita nang maayos, masinop at wastong paraan ng paggamit ng pondo (Financial Transparency) para sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa kapakinabangan ng mga mamamayan sa ating lalawigan.”

Kung hindi ako nagkakamali, 39 pang bayan sa probinsya ang ginawaran ng kaparehong pagkilala.

Aba’y Congrats at more power po sa inyong lahat, mga bossing!

81

Related posts

Leave a Comment