AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY LAGON NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA CHA-CHA!

TARGET NI KA REX CAYANONG

TINULDUKAN na nga pala ng Committee on Constitutional Amendments ng Senado ang pagdinig ukol sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Last hearing na raw pala iyon sa Cebu City. Kung matatandaan, pinangunahan ni Sen. Robinhood Padilla ang mga naunang pagdinig sa Davao City at Baguio City.

Malaki raw ang posibilidad na sa susunod na linggo ay makikipag-usap na siya sa mga mambabatas mula sa Kamara hinggil dito.

Sabi ni Padilla, trabaho niyang isulong ang mga pagdinig sa mga panukala sa kabila ng mga batikos at kritisismo. Wala naman daw siyang ibang nais kundi ang mapabuti ang buhay ng lahat ng mga Pilipino.

Ang panukala ni Padilla ay nakakuha ng suporta sa lower house sa katauhan ni Cong. Sonny Lagon ng Ako Bisaya Party-list.

Sa panayam ng TARGET ON AIR sa DZME 1530 ng inyong lingkod, sinabi ni Lagon na kapag naamyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas ay mapabibilis ang pagbangon ng bansa mula sa pandemya. Makapagbibigay rin daw ito ng trabaho sa milyun-milyong Pinoy.

Sinegundahan din ni Lagon ang posisyon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pagsasaprayoridad ng resolusyon ng upper at lower houses na nananawagan ng constitutional convention (Con-con) para sa pagbabago sa Konstitusyon, ay makatutulong talaga sa ekonomiya ng bansa.

Pinawi pa ni Lagon ang concerns at pangamba rito na tila minamadali raw sa pagsasabing dumaan ito sa masusing diskusyon.

“Charter change has been a core discussion ever since the term of former President Fidel Ramos. At lahat ng administrasyon since then, pinag-aralan na ‘yan. Napakarami nang papers o position papers ang nagawa, especially on amending the rather restrictive economic provisions of our charter,” paliwanag ng mambabatas.

Mahalaga aniya na maibalik ang dating sigla ng ekonomiya at magkaroon ng trabaho ang mga Pinoy. “Bottom line is: the country is bouncing back from the ill effects of the pandemic. Small businesses closed down, and many people lost their jobs. We need to tweak the restrictive economic provisions of the 1987 Constitution to invite more foreign investments here in the country, stimulate the economy and provide jobs to millions,” sabi ni Lagon.

Pinuri rin ni Lagon si Speaker Romualdez dahil sa aniya’y epektibo at maaasahan nitong pamumuno.

“Sometimes, we mistake ‘rushing’ with ‘efficiency.’ Hindi naman natin maikakaila na sa pamumuno ni Speaker Romualdez, the House has been very productive. We have passed a record number of bills and resolutions, and we passed President Marcos Jr.’s first national budget in record time,” punto pa ng masipag na kongresista.

Mabuhay po kayo, Cong. Sonny Lagon, at God bless!

145

Related posts

Leave a Comment