AKO BISAYA REP. SONNY LAGON NAMAHAGI NG AYUDA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

ABALANG-ABALA ­ngayon si Cong. Sonny Lagon ng Ako Bisaya Party-list.

Katunayan, sunod-sunod ang events at aktibidad na kanyang dinaluhan nitong mga nakaraang araw. Ganyan kaabala at kasipag ang kongresista.

Tinututukan niya ang kapakanan ng ating mga kababayang Cebuano. Nais niyang maibigay sa mga ito ang kanilang mga pangangailangan.

Kapag may nangyayaring sakuna, nandoon si Cong. Lagon. Naghahatid agad siya ng tulong.

Hindi niya pinababayaan ang kanyang mga nasasakupan. Ganyan dapat ang ginagawa ng public ­servants. Ibang klaseng lingkod-bayan itong si Cong. Lagon.

Kamakailan, ang kanyang tanggapan ang na-nguna sa relief operation para sa mga apektado ng sunog sa Brgy. Looc, Mandaue City.

Bumaha ng tulong mula kay Cong. Lagon. Kaya tuwang-tuwa ang mga tao.

Isa si Cong. Lagon sa mga tumugon sa mga pangangailangan nila nang magkaroon nga ng trahedya sa kanilang lugar.

Tinatayang 700 food bundles ang naipamahagi ng tanggapan ni Cong. ­Lagon. Nasa 675 families ang nabigyan nila ng tulong.

Bukod sa food bundles, namigay rin sila ng 800 pack lunch at 1,500 bottled mine­ral water.

Ang misis naman ni Cong. Sonny na si Rep. Daphne “Inday” Lagon ng 6th District ng Cebu ay tuloy-tuloy rin ang public service.

Kamakailan ay pinangunahan ni Cong. Daphe ang Christmas lighting sa Consolacion, Cebu.

Ayon kay Cong. ­Daphne, nagpapasalamat siya na matapos ang ­matinding pandemya ay muling magkakaroon ng masayang selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon ang mga Pilipino.

Sa tulong nina Cong. Daphne at Cong. Sonny ay naipamahagi rin kamakailan sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanap-Buhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang P11 milyon para sa mga ito.

‘Yan ang #SerbisyongLagon. Sabi nga, Aksyon Agad o #AksyonDayon!

42

Related posts

Leave a Comment