ALERT LEVELS PROTOCOL, MAKATULONG KAYA SA PAGBABA NG COVID CASES?

0

WALANG masama sa alert levels na ipinatutupad ng gobyerno partikular ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa sitwasyon ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa bansa kung makatu­tulong ito sa pagbaba ng hawaan ng virus.

Sa pananaw ng PUNA, layunin dito ng gobyerno na mapagsabay ang pagbubukas ng ekonomiya at paglaban sa COVID-19.

Hindi kasi pwedeng puro paghihigpit lang sa paggalaw ng mga tao kasi magugutom ang mga ordinaryong mamamayan.

Mula Marso 2020 na pananalasa ng COVID-19 sa bansa ay marami nang nawalan ng trabaho at namatay sa ating mga kamag-anak, kaibigan at katrabaho.

Sa ngayon, mahigit na sa dalawang ­milyong Pinoy ang nagka-­COVID at libo-libo na ang namatay kaya dapat gumawa ng ­istratehiya ang gobyerno na mapagsa­sabay ang pagbubukas ng mga negosyo at paglaban sa veerus.

Umaaray na kasi ang mga manggagawa at mga negosyante. Ayon sa kanila, kung mananatiling sarado ang mga negosyo dahil sobrang higpit ang health protocols ay baka tuluyan nang magsasara at malulugi ang mga negosyante.

Kaya malaking bagay ang alert levels 1-5. Pinakamataas ang 5 habang pinakamababa ang 1. Dito madedetermina kung gaano kalala ang COVID-19 cases.

Tulad ng Metro Manila na nasa alert level 4, pangalawa sa pinakamataas na alert level 5.

Ang pinakamahalaga ito ay dahil karamihan ng mga malalaking negosyo ay nakabase sa Metro Manila.

Kaya karamihan sa mga naapektuhang negosyo at mga manggagawa ay mula sa Metro Manila.

Tama rin ang kanilang ginawa na granular lockdown sa bawat lugar lang at hindi buong barangay at siyudad.

Kaya nga lang ay walang pwedeng lumabas na residente. Kung hindi tayo nagkakamali ay 14-days ‘yan na walang labasan.

Ang pinakamahalaga ay makipagtulungan ang taumbayan sa gobyerno kung anong patakaran ang ipinatutupad.

Hindi tulad ng mga pasaway na mga nagrali sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila na ayaw sa bakuna at ayaw sumunod sa health protocols.

Dapat sa kanila ay kasuhan kasi mga pasaway sila. Ipinapahamak nila ang taumbayan sa COVID-19.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment