ALIAS SPIDER-MAN, HUDAS AT RAPIST NG PASAHERO SA AIRPORT?

ISANG intelligence officer ng Bureau of Immigration ang naging laman ng usapan ngayon sa ahensya sa nangyaring raid kamakailan sa BGC upang arestuhin ang illegal Chinese Pogo Workers ngunit pagdating ng arresting officers ay walang ­nadatnan makaraang makatakas ang mga ito matapos itimbre di-umano ang operasyon.

Aba eh parang pelikula lang. Ayon sa nakalap ­nating impormasyon ay protektor umano itong si alias Spider-Man ng mga iligal na dayuhan sa bansa kapalit ang lingguhang payola na tinatanggap umano nito sa mga Chinese handlers na sina alias “Anna” at “Betty Chuwawa” na siyang utak sa pagpapalusot ng mga illegal Chinese na pumapasok sa bansa.

Bukod dito ay siya rin umano ang tumatanggap ng koleksyon mula sa kinikita ng ilang tiwaling tauhan ng Travel Control Enforcement Unit sa pagpapalusot naman ng mga iligal na lumalabas ng bansa na umaabot umano sa P150K kada ulo.

Kanino naman kaya nagre-remit itong si Spider-Man? Alam kaya ito ng kanyang opisyales o nagbubulag-bulagan na lamang dahil busog ang kanilang bulsa?

Naging usap-usapan din ng BI employees na minsan nang inireklamo itong si alias Spider-Man noong nakatalaga pa ito sa NAIA kung saan ay isang magandang Pinay umano ang kanyang pinagsamantalahan, matapos na ito ay ma-offload o hindi pinayagang makalabas ng bansa ay kinausap itong paaalisin kinabukasan ngunit sa kasamaang palad ay dinala ito sa isang hotel at pinagsamantalahan.

Inireklamo umano ang kanyang ginawang kahayupan ngunit dahil sa takot ay nagpaareglo na lamang ito.

Hmm, kakaiba pala ang hilig ng Spider-Man na ito, iba ang ginagapang, mabuti pa itong American super­hero na si Peter Parker at may bagong aabangan na namang magandang pelikula na tiyak na papatok sa mga Spiderman fana­tics.

Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

1

Related posts

Leave a Comment