BISTADOR ni RUDY SIM
NITONG nakaraang Miyerkoles ng umaga ay ginulantang tayo ng balita ng pagkakasakote kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Si Alice Guo na siyang pangunahing suspek sa isyu ng POGO na kasalukuyang iniimbestigahan ng Kamara at Senado, ay nahuli ng mga otoridad sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia. Ito ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso ng human trafficking, money laundering at torture sa Chinese nationals na mga empleyado ng POGO. Kasalukuyan din itong naghihintay ngayon ng extradition para usigin sa naturang mga kaso.
Ayon sa balita ay agad na tumungo ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Indonesia upang mag-selfie ay este, para sunduin si Guo, habang patuloy rin ang NBI sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga taga-Indonesia upang mapabilis ang proseso ng pagsundo sa dating mayor.
So, ano na kaya ang magiging kahihinatnan kung sakali ngang humarap si Alice Guo sa imbestigasyon ng Kamara at Senado? Maabswelto pa kaya ito o mababaon kasama ang ilang opisyal ng mga ahensya na sinasabing may pananagutan sa nangyari gaya ng BI, CAAP, Philippine Coast Guard at iba pa? Baka naman sa pagsalang ni Alice Guo ay maging sintunado ito sa pagkanta sa Senado?
Hanggang ngayon kasi ay tila nagka-amnesia na ang Palasyo sa una nilang pronouncement na “heads will roll sa BI?” For sure, nandiyan na naman ang mga papogi ng BI Intelligence Division, pati na ni Kume Tan5, at sasabihin na parte sila ng pagkakadakip kay Guo. Weh, talaga ba?
Sa totoo lang, hindi dapat kalimutan ni Pangulong Bongbong Marcos na may mga personalidad na nagsabwatan at kumita sa nangyari sa grupo ni Alice Guo pati na kay Cassandra Ong. Maliwanag na naging incompetent sa kanilang responsibilidad ang law enforcement agencies na bantayan ang airports at seaports kaya ganoon kadaling naisagawa ng mga puganteng ito ang kanilang plano!
Isipin na lang na ang Indonesia pa na wala namang pakialam sa kaso ng mga involved sa POGO, ay nagawang hulihin ang mga ito nang wala pang isang linggo, samantalang ang BI at iba pang mga ahensya ay pawang natutulog sa pansitan! Hahaha!
Sabagay, ano na ba ang nangyari kay Quiboloy? Taguan pung pa rin hanggang ngayon sa Davao, ‘di ba? So, ano na uli ang plano, PBBM? Patuloy na naghihintay ang buong bansa kung papanagutin mo pa ang mga pinuno ng ahensya, partikular na ang BI, o baka mauwi na naman ito sa usapang may amats lang? Nyek!
Ikaw rin, baka pinaiikot lang kayo ni Kume Tan5 at tinatawanan habang patuloy na nagbibilang ng mga manokan na kita niya sa raket diyan sa kanyang opisina!
Tuluyan mo na ‘yan!!
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
51