Malaking challenge para kay San Jose del Monte (Bulacan) Rep. Rida Robes ang mapili bilang ambassador ng Korean-based Sunfull Internet Peace Movement pero kanya itong tinanggap dahil aniya mas lalo n’yang mapalalakas ang kampanya lalo na sa cyber bullying na madalas ay nagiging dahilan ng pagpapatiwakal lalo ng mga kabataan.
Batid n’ya ang positibong epekto ng teknolohiya lalo sa ekonomiya subalit masakit isipin ang sobrang masamang epekto nito lalo sa kabataan.
‘With everything going digital, it’s a welcome development as we can keep up with the rest of the world but we’ve to deal with the negative effects of being online. Cyber bullying and other hostile or criminal acts online can be done in an instant.’
Sa kanyang bagong role bukod sa pagiging Kinatawan at ‘first lady’ ni ex-congressman-turned SJDM Mayor Arthur Robes, layon n’ya na makagawa ng actionable strategies na magiging kapaki-pakinabang lalo sa kabataan at tuluyan nang masupil ang cyber bullying, hate speech at human rights violation sa internet.
Ang Sunfull Foundation ay isang non-government organization mula sa South Korea na naghihimok sa publiko na labanan ang mga malisyoso at maling gawain sa internet.
Hindi makatao si Drilon, maka-dilawan lang – Atty. Chong
Hindi masikmura ni Atty. Glen Chong ang naging posisyon ng ‘dilawang’ si Sen. Franklin Drilon hinggil sa usaping paglalagay ng napakaliit na P19.5-M budget para pambili ng ilang mahahalagang gamit tulad ng portable x-ray machine na gagamitin ng Forensic Division ng Public Attorneys’ Office na sadyang napakamahalaga lalo’t batid natin na halos ang mahihirap nating mamamayan ang siniserbisyuhan ng PAO sa pangunguna ni Chief Persida Rueda-Acosta.
Batid niya ang importansiya ng mga gamit na ito sa pagsiserbisyo ng PAO sa tao kumpara, aniya, sa halagang P230-M na gustong ilagay ni Drilon para sa Commission on Human Rights na ang tanging tinututukan lamang ay pag-iimbestiga sa extra-judicial killings.
Dagdag pa niya, kung mismong si Pangulong Duterte nga ay itinutulak ang pag-acquire ng PAO ng mga mahahalagang gamit at hindi pagdagdag ng budget para sa mga empleyado nito, eh bakit si Drilon kakaiba ang dating?!
‘Eh kasi nga dilawan siya at gusto niya lang protektahan ang mga kasama niya tulad ng dating Pangulo na si Noynoy dahil sila ang may sala lalo sa Dengvaxia case,’ ani Atty. Chong. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
135