ANG ‘DI MAIPALIWANAG NA YAMAN NI GARMA

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NALANTAD sa ika-7 hearing ng House Quad Committee ang unexplained wealth ni dating Police Colonel Royina Garma kamakailan.

Si Garma ay kilalang malapit na kaibigan, kakampi at hinihinalang lover ni dating Pangulong Digong.

Si Garma ay dating nagsilbing pinuno ng isang police station sa Sta. Ana sa Davao City habang mayor pa si Digong, at naging pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao, bago siya in-appoint ni Duterte bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2019. Ang dating police colonel ay isinasangkot sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa Davao Prison and Penal Colony, at naging kanang kamay ni Digong sa implementasyon ng madugong war on drugs.

Natanong din si Garma sa Quad Comm hearing hinggil sa pagkakaroon ng maraming ari-arian, maling paggamit ng PCSO funds, pati na rin ang pakikisama niya sa Samahan ng Totoong Larong May Puso o ang STL Party-list. Siya ay isa sa pangunahing tauhan na nag-up ng STL Party-list.

Ang first nominee ng nasabing party-list ay si Yvonne Barandog, na asawa ng isang nagngangalang Chuck Barandog, na malapit na kaibigan ni Garma.

Habang si Garma ay general manager ng PCSO, ang kanyang opisina ay nag-donate ng P2 million sa STL Foundation na ginamit umanong tulong sa kalamidad.

Sa kanyang panahon ng panunungkulan sa PCSO mula 2019 hanggang 2022, ang Quad Comm ay nagsiwalat na ang kanyang opisina ay nawalan ng P90 billion.

Si Royina Garma ba ay nag-set up ng party-list para may imbudo siya ng pondo para sa kanyang sariling bulsa?

Posible kaya na si Garma ay bumuo ng bagong party-list sa utos ng kanyang partner na si Digong para paramihin ang kanyang kakampi sa House of Representatives sa kanyang panahon?

In-appoint din ni Garma ang ilan sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa PCSO, kasama na ang kanyang kababata na ginawa niyang isang confidential agent, kahit na walang karanasan sa law enforcement o ang criminal justice system.

Bahagi rin ng security personnel ni Garma ang kanyang pinsang buo na si Junjun Ubales.

Lahat ng appointments na ito ay tumutukoy sa pang-aabuso sa kapangyarihan ni Garma bilang PCSO general manager, na gumawa ng mga bagay na walang pag-check o pangangasiwa, lahat ay dahil sa pakikipag-alyansa kay FPRRD.

Inihayag din ni Cong. Dan Fernandez na si Garma ay nagmamay-ari ng marangya at mamamahaling ari-arian at inaming siya ang nag-develop.

Kabilang sa mga ito ay ang mansions at mga bahay na pinatutuluyan niya ng 20 o mahigit pang mga tauhan.

Sa kamakailang Quad Comm hearing, si dating congressman at Cebu City Mayor Tommy Osmeña ay ibinulgar na si Garma ay tumatanggap ng P1 milyong sa kada linggo habang siya ay CIDG chief ng Davao City.

Ito umano ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip siya na italaga si Garma bilang chief of police ng Cebu City.

183

Related posts

Leave a Comment