ANG IBA’T IBANG MGA PROYEKTO AT PROGRAMA NINA SEN. ROBIN PADILLA AT GOV. DONG PADILLA!

TARGET ni KA REX CAYANONG

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Robinhood Padilla ang kahalagahan ng pagtutok sa pinagmulan ng pondo para sa sahod at benepisyo ng mga Barangay Health Workers (BHWs).

Sa pagdinig ng Committee on Health and Demography, itinuturing ni Padilla ang mga BHW bilang “foot soldiers” na naglilingkod sa pangangailangan sa kalusugan ng mga tao sa grassroots level.

Bagama’t may mga lokal na pamahalaang kayang maglaan ng pondo para sa kanilang health workers, may ibang Local Government Units (LGUs) na kailangang makipaglaban sa limitadong yaman na kanilang meron, aniya.

Sa pagtatangkang tugunan ang pangangailangan ng mga BHW, lumalabas na ang pangunahing hamon ay ang limitadong pondo. Ang hamong ito ay naglalatag ng isang malalim na suliranin na nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagkilos mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan.

Sa gitna ng pangangailangan ng mamamayan sa kalusugan, isang malaking hakbang na maituturing ang regular na pagkakaroon ng kompensasyon para sa mga BHW.

Ngunit upang maisakatuparan ito, isang masusing pagsusuri sa sistema ng pondo at maagap na aksyon mula sa mga may kapangyarihan ang kinakailangan.

Higit sa lahat, ang pagsuporta mula sa iba’t ibang antas ng pamahalaan, mula lokal hanggang pambansang antas, ay mahalaga upang masiguro ang kalusugang pangkalahatan ng ating mga kababayan.

Samantala, lumagda ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Camarines Norte Gov. Dong Padilla, ng kontrata sa developer at land owner, sa pangunguna ni Atty. Aldo Del Rosario at Philip Lopez President ng Pacific Concrete Products Inc.

Ito’y para sa itatayong housing project sa Daet.

Sa paghahanap ng pagkakataong tulad nito, masasabing unti-unting nagkakaroon ng katuparan ang paniniwala ni Gov. Padilla na “walang dapat maging iskwater sa sariling bayan.”

Kamakailan din, dumalo si Gov. Padilla sa Collaborating for Local Government Commitment to (LGRP) Local Governance Reform Project, Key stakeholders Dialogue kung saan isa ang Camarines Norte bilang LGRP pilot provincial project na kumakatawan sa Region V.

Kung hindi ako nagkakamali, ang proyekto ay itinataguyod at pinamamahalaan ng Asian Development Bank (ADB), Department of Finance (DOF), at Bureau of Local Government Finance (BLGF).

Siyempre, hindi maitatatwa na mahalaga ang mga ganitong aktibidad upang mas mapalawak pa ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

83

Related posts

Leave a Comment