KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO
HALOS walang kaibahan ang collection agent sa salesperson. Ang pagkakaiba lang nila, nagbebenta ng mga actual na produkto ang salesperson. Sa collection agent naman ay services.
Ang main goal ng isang collection agent ay matulungan ka na malinis ang pangalan mo lalo na sa mga government agency, na mawala record mo, or mai-settle mo nang maayos ang iyong nautang.
Ang tinutukoy po natin ay ang lehitimo na collection company at agent.
Layunin nito na mapabilis ang negosasyon mo sa kumpanya na mayroon kang obligasyon na dapat i-settle, siguruhin lamang na may sariling opisina at may tamang legalities ang nakikipag-coordinate sa inyo na agent.
Layunin din ng collection agent na magkaroon ka ng tamang clearance na ikaw ay maayos na nakapagbayad para magamit mo sa ibang legalities na ikaw ay wala nang atraso.
Bakit nga ba hindi magkakasundo, kung maayos naman ang hangarin? Sasabihin ng mga may utang na hinaharas sila, maging fair naman tayo, madalas kasi pinapasa na sa isang collection company ang mga account ng tao na may utang.
Sila ‘yung taon nang nagtatago, sila ‘yung sinasadya na kalimutan ang kanilang inutang o responsibilidad na magbayad ng kanilang obligasyon.
Nariyan pa na magyayabang sila, wala naman daw kasi nakukulong sa utang at nariyan pa na magpapa-media sila. Sila na nga ang may atraso, sila pa ang mayayabang, saan ka pa?
May mga entity naman na agad tumutulong na hindi nila alam na nagagamit sila ng tao sa panloloko. Mga tao na galit sa online lending, pero sila rin naman ‘yung lahat ng lending sa online inutangan.
Mabilis kang nakahiram at hindi nalalaman ng iyong pinagsumbungan, pero nang sisingilin na magtatago sila at ‘pag nasukol na at nahanap sila ay magsusumbong agad sa kung sino-sinong tao.
Ang lending company, na may mga pisikal na opisina, mga negosyo na nagbabayad ng tax at nagpapasahod, nakapagbibigay sila ng trabaho sa mga tao.
Namuhunan sila, naglabas ng pera, nagkasundo sa umutang ng ilang halaga ang tubo, tapos nang nagreklamo ang sinisingil ng kung ano-ano, pero ang bottom line naman, hindi nagbayad ng utang.
Ang kalalabasan, ‘yung nagpautang na ang idedemanda at pinagpipyestahan na ikaw na hindi nabayaran, ikaw pa pinagkatuwaan at tinanggalan ng karapatan na maibalik ang nahiram sayo.
Lagi natin tatandaan na ang tao na nagpapanggap na biktima kung magsumbong ay sobra, ipo-provoke niya ang agent tapos nang mapatulan siya ng collector, ivi-video niya ‘yung pagpatol sa kanya at ‘di kasama ‘yung pag-provoke niya.
Napakahirap ang negosyong pautang, kung mapapansin natin tuloy sa mga loan sa mga bangko, napakahirap na ring mag-approve.
Minsan kasi nagiging biktima rin sila ng mga manloloko kaya mahirap na magpa-approve ng mga loan sa rami ng mga papel na kinakailangan.
Diyan kasi makikita kung capable ka ba na makabayad ng inyong inutang. Kaya hindi natin sila masisi dahil nga sa dumaraming mga ahensya na nakikita ang karapatan ng tao na ayaw magbayad ng utang. Parang lumalabas na mas may karapatan ang tao na umutang kesa nagpautang.
oOo
Para sa anomang reaksyon, maaaring mag-text sa cell#0939-168-3316.
