ANG PAGBALUKTOT SA KATOTOHANAN

SA kabila ng pagtanggi ni Department of Justice  Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi makakaapekto sa binuo nilang kaso laban kay Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na pilit na idinadawit na mastermind sa pagpatay Governor Roel Degamo noong March 4, matapos ang pagbaliktad sa kanilang naunang statement, ay isa umano itong dagok sa DOJ.  

  Inamin  ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na ang pagbaliktad ng mga suspek sa kaso at pagsisiwalat ng mga ito na sila’y tinakot at pinahirapan ng pulisya upang pilit na ituro si Teves na may kagagawan sa krimen, ay isa umanong malaking dagok at problema ng DOJ.

  Agad naman na dumepensa ang Philippine National Police (PNP) na itinanggi at hinamon nito ang alegasyon ng isa sa mga suspek na si Osmundo Rivero na sila ay tinakot at tinortyur ng mga pulis upang idawit si Teves. Si Rivero ay isa sa sampung sundalo na isinasangkot na pumatay kay Degamo.

  Nanindigan naman si Rivero na sila’y nakaranas ng torture at inilabas sa media ang isang larawan na may bakas ng pananakal sa kanyang leeg gamit umano ang isang alambre, upang pilit na ipaturo si Teves na kaso.  

  Naintindihan natin na trabaho lamang ng spokesperson ng Philippine National Police na ipagtanggol ang kanilang hanay ngunit mas maigi siguro na bago gawing baluktot ang tuwid na katotohanan ay dapat nating tanggapin na ang matagal nang naging kaugalian sa pulisya na paraan upang pahirapan ang mga suspek para aminin ang malayo sa katotohanan, ay hindi naman makatwiran.

  Giit ng abogado ng suspek na si Atty. Danny Villanueva, ginawa umano ito ng mga pulis habang kinukunan ito ng salaysay. Bukod kay Rivero ay mayroon pa umanong ibang suspek na nakaranas rin ng torture at pinag-aaralan ngayon upang isailalim sa medical examination.

  Ayon naman sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ang pagpapahirap sa mga suspek at pagbaliktad sa tunay na katotohanan ay isang malaking desperadong aksyon ng alagad ng batas at kahinaan ng ebidensya.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

193

Related posts

Leave a Comment