ANGONO MAYOR JERIMAE CALDERON, HIGANTES FESTIVAL PINURI NI VP SARA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

INAMIN mismo ni Vice President Sara Duterte na namangha siya sa Higantes Festival sa Angono, Rizal. Dumalo kasi sa selebrasyon dito si VP Sara.

Aba’y pinuri ni Duterte ang Angono sa pagpapahalaga nito sa kasaysayan.

“Thank you, Angono, for giving the Filipinos an example of how we can continue to value our history while also bravely marching toward the future,” ani Duterte.

Hindi maitatanggi na kilala na sa bansa ang Angono. Binansagan ito bilang “Art Capital of the Philippines”.

Kung hindi ako nagkakamali, ito rin ang tahanan at ­bayan ng national artist na si Carlos “Botong” Francisco.

“May the Higantes Festival inspire the rest of the Philippines to help us revive Filipino solidarity through art. Through these colorful and gigantic papier-mâché puppets, our forebears expressed their deep-seated yearning for freedom that planted the seeds and the call for change,” wika ng bise-presidente.

Batay sa mga pag-aaral, ang sining daw ay nakatutulong sa pagiging malikhain ng mga bata.

Siyempre, hindi ­maitatatwa na nakatutulong din ito sa pagpapaunlad ng talento at ­kakayanan ng mga kabataan, ang tinaguriang “Pag-asa ng Bayan.”

“Your celebration is a reminder of how art — as it flows through our history, our culture, our traditions, and our life — binds us together as a people with a common pursuit of a stronger nation,” pahayag ni Duterte.

Ayon kay Duterte, kalihim ng Department of Education (DepEd), mahalaga ang edukasyon.

Kaya naman, iginiit niya ang pangangailangan na mag-invest para sa hinaharap ng mga bata at ang paglayo sa mga ito sa mga masasamang elemento ng lipunan gaya ng mga rebelde at illegal drugs.

Gumawa rin pala ang Angono ng higanteng paper-mâché puppets ni VP Sara at imahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Labis ngang namangha at natuwa rito ang pangalawang pangulo.

Kaya nais daw ni VP Sara na sumabak ang mga higanteng ito sa major festivals sa kanilang lugar, ang Araw ng Dabaw tuwing Marso at Kadayawan Festival, na idinaraos naman tuwing Agosto ng bawat taon.

“I am so amused with what I just saw. In fact, I’m asking Mayor Jerimae Calderon if she could lend us their Higantes for our festivities in Davao,” sabi ni VP Sara.

At sabi nga, mula sa pagiging isang third-class municipality noong 1998, aba’y ngayon, ang Angono ay isa nang first-class municipality.

Sa palagay ko, lahat ng ito ay naisakatuparan dahil sa sipag at dedikasyon sa trabaho ng mag-amang sina Mayor Jerimae Calderon, Vice Mayor Gerry Calderon, at iba pang local officials.

At siyempre, dahil na rin ito sa katatagan at pagkakaisa ng lahat ng mga taga-Angono.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

19

Related posts

Leave a Comment