Matapos mapondohan ng higit sa P1 bilyon ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), mukhang mauuwi lamang ang lahat sa wala dahil tiwangwang pa rin ang 12,923 ektaryang property na ito sa lalawigan ng Aurora. Mukhang napagkakitaan lamang nang husto ng iilan.
Ito ay pinlanong gawing freeport ng nasirang Sen. Ed Angara, siya pa nga ang umakda ng Republic Act 10083, ang batas na siyang lumikha rito.
May mga nagmensahe sa ating mga ka-bandila na hindi malayong 40% ng nasabing public funds na ipinasok sa APECO ay swak sa bulsa ng iilan, na mas kapani-paniwalang dahilan kaya hindi pa rin matapus-tapos ‘yang proyekto na ‘yan.
Ang matindi pa nito, ang mismong may-ari ng napakalaking lupain na ito ay ang mismong mga indigenous people, o mga katutubo ng lalawigan, ay hindi pabor sa nasabing proyekto. May katwiran sila, mukhang ninakaw sa kanila ang karapatan na mapagtamnan ang nasabing lupain at mapakinabangan para sa kanilang paghahayupan at iba pang pangkabuhayan.
Maging ang Commission on Audit ay nakakita ng mga butas kung paanong isinasagawa ang planong APECO, “major lapses in planning, inefficient investment programming and unsupportive personnel actions, thus the timely realization of the promised development and progress to the residents of Casiguran and the Province of Aurora is not certain.”
In short, mukhang naging gatasan lamang ito, o milking cow ng iilang makapangyarihan at maimpluwensyang mga pamilya at mga tao riyan sa Aurora. Sa bandang huli, taumbayan ang talo, at may bagong mga multi-milyonaryo at their expense! Wow! Ang galing! Magara kayo a!
Ang gara talaga, may mga ulat na grabe naman talaga ang korapsyon diyan. Kawawa naman talaga ang mga katutubo ng Aurora at ang taumbayan.
P1 bilyon nauwi sa wala? 12,923 ektarya hindi napakinabangan ng mga katutubo? Wow! Sino ang nakinabang? Alam na this! (For the Flag / ED CORDEVILLA)
113