AYAW SA BASTOS, EH BAKIT ANG IBANG OPISYAL?

TINGNAN NATIN

SUMOBRA ang banat ni Erwin Tulfo kay Dept. of Social Welfare & Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista nang tumanggi itong magpa-interview sa kanyang teleradyo program.

Tingnan Natin: hindi dapat dumaranas ng ganoong pang-aalipusta hindi lamang si Bautista kundi kahit na sinong tao, mayaman, mahirap, sibilyan o militar.

Pero itong panghihimasok ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa isyu, tingin natin, ay wala sa lugar.

Ang pambabastos ni Tulfo kay Bautista ay hindi laban sa Sandatahang Lakas, patungkol ito kay Bautista bilang miyembro ng gabinete ng pamahalaang sibilyan ni Pangulong Duterte.

Tingnan Natin: maaaring ireklamo si Tulfo ni Bautista sa boss nitong si Sec. Martin Andanar ng Presidential Communications Office of the Philippines, o kay Pangulong Duterte mismo. Nariyan din ang National Press Club (NPC) o kaya’y Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

Ang kuyugin ng military, pati na kapulisan, si Tulfo ay nakababahalang indikasyon ng pagsasantabi sa isinasaad ng Saligang Batas o Konstitusyon na pangingibabaw ng sibilyan sa military sa ating bansa.

Si Bautista ang dapat magreklamo, at kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili, pero ang AGFO at iba pa sa serbisyo, akala mo kung sinong nakisawsaw sa isang pagkakamaling may katapat na dulugan, at parusa kung kinakailangan.

Tingnan Natin: bastos daw si Tulfo? Oo, parang ibang opisyal, bastos din, ‘di ba?

Pero itong mga AGFO at iba pa sa serbisyo na nakisawsaw sa isyu, lumalabas na ok lang ang kabastusan ng ibang opisyal.

Tingnan Natin: si dating Senador Francisco Tatad, i­lang p.i. ang inabot sa ibang opisyal, pati asawa ng mama, nilapastangan, ‘di po ba?

Dahil si Tulfo ay hindi tulad ng ibang opisyal, hindi pwedeng bastos ito, pero ang ibang opisyal na kanyang amo, Ok lang kahit pa sukdulan.

Sana, itong AGFO at iba pa na nakisawsaw sa isyu, kung talagang naniniwala pa kayo sa Good Manners and Right Conduct (GMRC), tingnan ninyo rin ang iba pang palamurang opisyal.

Hindi naman kayo bulag at bingi sa kanyang mga pinaggagagawa at pinagsasasabi, hindi po ba? (Tingnan Natin!)

250

Related posts

Leave a Comment