DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)
TULOY ang kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya.
Ayaw ng gobyerno na manggulo sila sa lipunan.
Ang mga nagbabalik-loob naman sa batas o malayang mundo ay tinutulungan.
Kamakailan nga, pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. ang pamamahagi ng cash assistance sa mga sumukong rebelde sa Region 8.
Kung hindi ako nagkakamali, aba’y nasa 35 dating rebelde mula sa Northern Samar at 16 din mula sa Eastern Samar ang nakatanggap ng ayuda.
Nagkakahalaga ng P2.9 milyon ang ipinamahaging tulong ng DILG sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Itinaon naman daw ang aktibidad sa pagdalo ni Abalos sa pulong ng Joint Regional Task Force Region 8-Enhanced Local Communist Armed Conflict (JRTF8-ELCAC) sa Eastern Visayas.
Nagkaroon din ng demilitarization ang Philippine National Police sa 56 na armas na isinuko ng mga dating rebelde at binayaran sa pamamagitan ng E-CLIP program.
Maganda ang kinalabasan ng pagpupulong na iyon.
Muling iginiit ni Abalos ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipadama sa mga nasa grassroots level ang presensya ng gobyerno.
Patuloy ding tinutukoy ang mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng suporta at kinakailangang tulong sa ilalim ng programa ng JRTF-ELCAC.
Samantala, napakasipag talaga nitong si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Atty. Demosthenes Escoto.
Mantakin ninyo, kamakailan ay personal na ibinigay ni Escoto ang 20,000 cash assistance at food package sa bawat naulilang pamilya ng tatlong mangingisda sa Calapandayan, Subic, Zambales.
Nagtungo kasi siya roon para sumilip sa burol ng mga ito.
Nangako si Escoto na magbibigay pa ito ng scholarship grants sa mga anak na naulila para sa pag-aaral sa kolehiyo na may kinalaman sa fishery.
Ang 11 mangingisda na nakaligtas ay tumanggap din ng tulong pinansyal at food packs mula sa BFAR.
Nagbigay din ng iba pang tulong ang ahensya sa mga apektadong pamilya.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
