KAYA naman pala sobra ang galit ni dating Supreme Court Associates Justice (AJ) Antonio Carpio kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay dahil sa sinapit ng kanyang ama sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Mayroon palang pinaghuhugutang dahilan si Atty. Carpio kaya simula’t sapul palang ay mayroon nang banat sa pamilya Marcos dahil sinibak pala ni dating Pangulong Marcos ang kanyang ama na si Bernardo Carpio, na dating Deputy Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), dahil sa katiwalian.
‘Yan po ang malinaw na pahayag o isiniwalat ni Senatorial Aspirant Atty. Lorenzo “Larry Hindi BOBO” Gadon, sa grand rally ng UNITEAM noong Abril 9, 2022 sa Grandstand ng Tacloban City sa Probinsya ng Leyte.
Ayon pa kay Atty. “HINDI BOBO” Gadon, huwag maniwala ang sambayanan sa maruming propaganda ni Atty. Carpio, na tinawag din niyang ”FRUSTRATED Chief Justice at Presidential Aspirant”, dahil sa puro paninira at kasinungalingan umano ang lahat ng mga sinasabi ni Carpio.
Bakit nga ba “Frustrated Chief Justice” si dating AJ Antonio Carpio? Ito ay dahil sa nagretiro na lamang siyang most Senior AJ ng Supreme Court ay hindi nakuha ang titulong Chief Justice ng kataas-taasang Hukuman, sa kadahilanang mas pinili pa ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga most junior member sa kanya gaya na lamang ng napatalsik dahil din sa anomalya na si Atty. Maria Lourdes Sereno.
Kabilang din sa mga naka-ungos kay Carpio sa pagkapunong mahistrado ay sina dating Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro, Lucas Bersamin at Diosdado Peralta, at hanggang siya ay magretiro na, dahil sa compulsory retirement na 70-years old, ay hindi pa rin nito nakopo ang chief justice position.
Pero bilang pagtanaw sa haba o tagal ng panahon ng panunungkulan sa hudikatura ay nagpalabas ng resolution ang Supreme Court na nagkaloob kay AJ Carpio na makapagretiro bilang Chief Justice.
“Frustrated Presidentiable” din dahil sa hindi rin siya napili na kakatawan sa kanilang binuong 1Sambayan para tumakbong pangulo ng bansa.
Samantala, its “CRYING TIME NA”! Ano kaya nasa kalooban ni Senatoriable Francis “KIKO” Pangilinan nang siya ay umiyak o napaiyak sa kanilang rally sa Pampanga?
Iyak ba ‘yon ng katuwaan? O iyak ng pamamaalam sa pulitika?
Dahil kitang-kita naman kasi sa survey na napakalayo niya, mukhang kahit kasama pa sa iyakan si Miss Shawee, parang ala na ring epek. Ika nga sa kasabihan, kahit lumuha ka pa ng BLOOD!
Grabe kasi ang arangkada nina BBM at SARA ng UniTeam, kumbaga sa karera, pinakain ng alikabok ang kanilang mga katungali.
Naalala ko tuloy ‘yung awiting “HAWAK-KAMAY” kasi napansin ko lang naman sa ipinost sa social media na itong sina Kiko at Sharon ay magkahawak-kamay habang nagtatalumpati ang mga kasama ni Kiko sa rally sa Pampanga.
Eh kaso, sabi ni Atty. Larry “HINDI BOBO” Gadon, na huwag na raw magpauto pa sa drama ng ilang kandidato, dahil mga pagpapaimbabaw lang umano ang kanilang ipinapakita, at isang propaganda lamang ang lahat upang kaawaan sila ng mga botante.
Kasi naman simula pa lang sa unang araw ng kampanyahan, wala nang ibang bukang bibig ang kampo nina KIKO kundi paninira at panglalait sa kampo ni BBM.
Papaano kapag sila ang naupo? At namuno sa bansa! Puro na lang ba paghahabol at paghahain ng mga kaso sa kanilang mga kalaban? Paano na ang bayan?
Sa totoo lang, nagsawa na ang mga Pinoy sa mga “Epal na Pulitiko” na kung tawagin eh “TRAPO” o traditional politicians na wala namang napatunayan kundi puro papogi points lamang noong sila’y nasa posisyon pa.
100