BAGONG TAON, BAGONG PANIMULA

PUNA

Back to normal na ang mga Pinoy mula sa mahaba-habang bakasyon nitong nakalipas na Holiday Seasons.

Mula sa mga pribadong kumpanya at sa tanggapan ng gobyerno ay nagsara sila ng kani-kanilang mga libro (budget) nitong Disyembre.

Sa taong ito (2020) sa ‘Year of the Rabbit’ ay maraming umaasang mga Pinoy na magkakaroon sila ng magandang buhay.

At siyempre umaasa rin sila sa tulong ng gobyerno sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa limang nakaraang administrasyon katangi-tanging ang kasalukuyang pamunuan ni Pangulong Duterte ang nag-iisang pang gobyernohan lamang ang nananatiling mataas ang survey kahit na dalawang (2) taon na lang ang nalalabi ng kanyang panunungkulan.

Sa isinagawang third quarter of the year survey ng Social Weather Station (SWS) na tatlo (3) sa apat (4) na mga Pinoy ay “very” satisfied sa panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Sa 1,800 Filipino adults, 77% ay satisfied sa national government’s general performance, 11% ay undecided at ang 10% ay dissatisfied.

Bahagyang bumaba sa Mindanao, balanse naman ang Luzon at Visayas.

Ang government’s satisfaction rating ay bumaba ng 1 punto sa Visayas (plus-70 noong Setyembre mula plus 71 noong Hunyo), Mindanao na 10 puntos (plus-70 noong Setyembre mula plus-80 noong Hunyo) at 10 puntos in balance sa Luzon (plus-63 noong Setyembre mula plus-73 noong Hunyo).

Samantala, ang government’s satisfaction rating ay tumaas ng 12 puntos sa Metro Manila, mula sa “very good” plus-59 noong Hunyo sa “excellent” plus-71 noong Setyembre.

Bumaba naman ang sa­tisfaction rating ng 7 puntos sa Class D o ang “masa” (mula plus-73 noong Hunyo hanggang sa plus-66 noong Setyembre) at 5 puntos sa Class E (mula plus-73 noong Hunyo  hanggang plus-68 noong Setyembre).

Subalit, ang nasabing satisfaction rating ng gobyerno ay tumaas mula sa “very good” plus-60 noong Hunyo hanggang naging “excellent” plus-78 noong Setyembre sa Class A, B at C.

Ang third quarter ng 2019 social weather report ay noong Setyembre 27-30, 2019 national survey.

Lumalabas na pinakama­taas sa nakalipas na limang administrasyon mula kay da­ting President Cory Aquino noong 1988; Pres. Fidel Ra­mos, noong 1992; Pres. Joseph Estrada, noong 1998-2001; Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, noong 2004 at Pres. Noynoy Aquino, noong 2010 hanggang 2016.

Sa maigsing panahon mula Mayo 9, 2016 presidential election matapos na ma-elect si Pangulong Duterte hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling mataas ang kanyang trust rating.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon ay maaari po kayong mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//opera­rioj45@gmail.com. (PUNA /  JOEL AMONGO)

136

Related posts

Leave a Comment