USAP-USAPAN sa mga huntahan ng mga prominenteng negosyante ang napipintong balasahan sa Gabinete ng administrasyong Marcos Jr.
Katunayan, may mga impormasyon nagtuturo sa Palasyo na ‘di umano’y nasa likod ng mga batikos sa mga nais palitan pagsapit ng Hunyo.
Mas humugong ang rigodon nang aminin mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagtatalaga sa mga talunang manok na sumabak sa halalan noong Mayo ng nakalipas na taon.
Sa ilalim ng umiiral na batas, isang taon ang kailangang hintayin ng mga talunan sa halalan bago makapasok ulit sa pamahalaan. Patapos na ang one-year ban.
Kabilang sa mga matunog na papasok sina former Defense Sec. Gilbert Teodoro, Larry Gadon, Harry Roque, Manny Piñol at iba pang natalong kandidato galing sa ibang bakuran.
Susmaryosep! Sa halip na magbawas ng tao sa gobyerno (tulad ng pangakong binitawan sa kanyang unang SONA), target pa ng Pangulo magdagdag ng sakit ng ulo sa gobyerno!
Malinaw ang adyenda ng administrasyon — tiyaking kontrolado ang lahat ng departamento at kawanihan.
Katwiran ni Marcos, gusto raw ng mga talunan tumulong sa gobyerno.
“We have to look at, marami naman talagang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. We’ll certainly look into that,” sambit ni Marcos sa mga mamamahayag sa isang panayam.
Ayon sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na 1987 Constitution – “No candidate who has lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries.”
Patapos na ang one-year ban kaya naman parating na ang mga tunay na kampon ng administrasyon.
Mukhang tama ang mga dilawan — Unithieves nga ‘yan!
