BALIKBAYAN BOXES MAAARI NANG MA-MONITOR GAMIT ANG BOC TRACKING SYSTEM

HAGUPIT NI BATUIGAS

Isang magandang balita para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa  sa inihayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kung saan maaari nang mamonitor ang mga ipinapadalang Balikbayan Boxes sa bansa.

Ang kanilang Bureau of Customs Parcel Tracking System ay madali na nilang mati-trace kung nasaan na ang kanilang mga ipinapadalang parcel sa bansa.

Ayon kay Customs Assistant Commissioner, Atty. Vincent Maronilla, inihahanda na rin nila ang kanilang system lalo’t malapit na ang Christmas season dahil siguradong dadagsain sila ng balikbayan boxes.

Kumpiyansa naman si Maronilla na magi­ging maayos ang kanilang system hindi katulad nang nangyari noong 2014 nang unang ini­lunsad ito na kung saan nagkaroon ng technical problem sa kanilang mga tracking system.

Well, talaga namang nabibilib si Atty. Maronilla dahil sa kanilang pagsisikap na maging maayos ang pag-manage ng kanilang mga tauhan sa balikbayan boxes ng ating mga mahal na kababayan sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Sana lang talagang maging maayos at walang maging aberya sa systems, gayundin sana sa kanilang shipment and delivery. Ito’y lalo’t alam naman natin na kung minsan may ­ilang mga tauhan ng BOC ang mga nananamantala at pinag-iinteresan ang ­ilang balikbayan boxes na kung saan matapos itong buksan para check-apin ay may mga nawawalang gamit dito.

At kung sakaling ganu’n pa rin ang siste, ay kawawa naman ang ating mga kababayan at lalung-lalo na ang magigiting na overseas Filipino workers na nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa para lang may maipadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Kaya naman sa pamunuan ng BOC, tama lamang na mabigyan din ng pansin ang problema d’yan sa balikbayan boxes na matagal nang may isyu ng nakawan o delay ng shipment. Sa ganyang paraan, gamit ang ang inyong BOC tracking system, ay magiging maagap ang mga kababayan natin sa pag-claim sa kani-kanilang mga bagahe.

oOo

Ugaliing subaybayan ang aking araw-araw na programa sa aking (Facebook Live) sa Latigo News TV at YouTube channel Latigo online Nationwide news TV. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

228

Related posts

Leave a Comment