BANTAG, HINAMON NI REMULLA NA MAGHAIN NG KONTRA SALAYSAY

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

NANAWAGAN ang pamilya Mabasa kay dating BUCOR DG GERALD BANTAG at SSPT. RICARDO ZULUETA na kung talagang malinis ang kanilang konsensya at wala silang kinalaman sa pagpatay sa kanilang kaanak na si Percival Mabasa o Percy Lapid, ay dapat umano silang makipag-cooperate sa isinasagawang preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa mga isinampang reklamo o kaso ng National Bureau of Investigation (NBI ) at Philippine National Police ( PNP) laban sa kanila.

Sinabi pa ni Roy Mabasa, ngayong nagpalabas na ng subpoena ang kagawaran ng katarungan laban kina BANTAG at ZULUETA, eh, wala nang dahilan pa upang manatiling magmatigas ang mga suspek sa pagharap sa isinasagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ).

Nauna nang sinabi ni ­Secretary Jesus Crispin ­”Boying” Remulla na kung talagang wala silang kasalanan, humarap sila at sabihin ang lahat ng kanilang saloobin sa investigating prosecutors, sa pagmamagitan ng paghahain ng kanilang kontra salaysay o counter affidavit.

Pinayuhan pa ng DOJ ang mga suspek na sa halip na kung ano-anong mga pahayag ang bitiwan sa media at inililihis sa kung ano-anong isyu, ay dapat harapin na lang ang reklamo upang matuldukan na ang naturang usapin.

Sinabi pa ng kalihim, magpakalalaki ang mga suspek at harapin ang naturang mga reklamo ng pagpatay sa mga biktimang sina Percy Lapid at ang person deprive of liberty na si Jun Villamor.

Kaugnay nito, bumuo na ang DOJ ng panel of prosecutors na mag-iimbestiga sa mga reklamong murder kaugnay sa pagpatay kina Percy Lapid at Jun Villamor.

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na pinagsama o consolidated na ang lahat ng murder complaints laban sa mga suspek.

Unang sinampahan ng ­reklamong murder ang ­umaming gunman na si Joel Escorial at ilan pa nitong mga kasabwat, at on going na ang preliminary investigation sa nasabing reklamo.

Pero ito ay pinagsama na sa pinakabagong murder case na inihain ng PNP at NBI noong Lunes laban sa itinuturong mga utak sa Lapid at Villamor killing, na sina BANTAG at ZULUETA.

Ang consolidated complaints ay hahawakan nina Deputy State Prosecutor Olivia Torrevillas at Senior Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Charlie Guhit.

Kaagad na nagtakda ng pagdinig sa darating na Nobyembre 23 dakong alas-nueve ng umaga.

24

Related posts

Leave a Comment