BBM HATAW SA SURVEY SA CALOOCAN AT CAVITE

MILYA-MILYA ang layo ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang mga katunggaling presidentiables sa inilabas na survey sa Caloocan City at Cavite.

Ang sakop ng survey sa Caloocan City na isinagawa ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. ay mula Enero 6 hanggang 10, 2022.

Nakapagtala ng 71% si BBM, tig-10% naman sina Leni Robredo at Mayor Isko Moreno, si Sen. Ping Lacson ay 5%; si Manny “Pacman” Pacquiao na may 2% at may ‘undecided’ na 2%.

Ang sinurbey ng nasabing private polling firm ay 5,164 respondents.

Ang Caloocan ay may 1.7 milyong populasyon at kilalang balwarte ng mga Marcos.

Base sa ginawang bawat distritong survey sa Caloocan sa District 1 na sakop ng Bukid Area o parteng Norte ng siyudad, ay nakapagtala ng 74% si BBM.

Nakakuha naman siya ng 71% para sa bagong tatag na District 3 at sa tinaguriang ‘commercial hubs’ na Distrito 2 ay may 71%.

Nakapagtala naman ng 13% si Robredo at 11% para kay Moreno.

Kahit pa pagsama-samahin ang survey ng apat na katunggali ni BBM (71%), na sina Robredo na may 10%, Moreno na may 10%, Lacson na may 5% at Pacquiao na may 2% ay malaki pa rin ang lamang na boto ng batang Marcos sa 44%.

Sa inilabas naman na survey sa social media account ni Cavite Governor Jonvic Remulla noong Enero 13, 2022, ay malaki rin ang lamang ni BBM sa kanyang mga katunggaling presidentiables.

Batay sa survey na nagsimula noong Disyembre 1 hanggang 5, 2021, lumalabas na nakapagtala si BBM ng 62%; Lacson 16%; Robredo 9%; Moreno 6%; at Pacquiao na may 4%.

Kahit pagsama-samahin din ang survey ng apat na presidentiables na may kabuuang 35% laban sa 62% ni BBM ay lumalabas na may lamang pa rin si Marcos na 27% sa kanila.

Ang survey na ito ay nagpapatunay lamang na hindi umeepekto ang paninira o pananabotahe laban kay BBM.

Matatandaang kamakailan ay ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division ang petisyon ng kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) laban kay BBM.

Ayon kay Spokesperson James Jimenez, hindi raw nagsinungaling si BBM sa kanyang ihinaing COC sa Comelec para maging dahilan ng kanyang pagkadiskuwalipika sa pagtakbo bilang presidente sa May 9, 2022 national and local elections.

Sa pananaw ng PUNA, ganun din ang mangyayari sa iba pang nakahain na disqualification cases sa Comelec dahil halos iisa lang naman ang kanilang ipinupukol laban kay BBM.

Move on na, mga kapatid. Babangon Tayo Muli!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

112

Related posts

Leave a Comment