BBM-INDAY SARA TANDEM, AYAW PAPASUKIN SA QCMC?

0

MARAMING reaksyon ang naglabasan nang mapanood nila ang video ng usapan sa pagitan ng kinatawan ng kampo ng BBM-Inday Sara Tandem at management ng ­Quezon City Memorial Circle (QCMC) para sa planong isasagawang programa sa nabanggit na lugar.

Ayon sa mga nakausap ng PUNA mula sa ­supporters ng BBM-Inday Sara tandem, halatang biased daw itong si Engr. Zaldy dela Rosa, action officer ng QCMC, sa kanyang mga sinasabi.
Halatang ayaw daw ­payagan ni Engr. Dela Rosa ang BBM-Inday Sara tandem na magkaroon ng prog­rama sa loob ng QCMC partikular sa Liwasang Aurora.

Pangunahing dahilan ni Engr. Dela Rosa ay binago raw ang patakaran ng QCMC noong nakaraang taon na hindi pinapayagan ang pagtitipon sa lugar na may kinalaman sa pulitika.

At ito pa, kung sakali raw magkaroon ng pagtitipon ng supporters ng BBM-Inday Sara tandem sa QCMC ay malaking trabaho ito ng ­Quezon City government dahil kailangan pa ng maraming tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) at Task Force Disiplina.

Magkakaroon muna kasi ng motorcade ang BBM-Inday Sara tandem ­supporters at pagkatapos ay tutuloy ang mga ito sa QCMC para sa isang programa.

Imbes na sa Liwasang Aurora sa mismong tabi ng ng QCMC monument ­mag-sasagawa ng programa ang BBM-Inday Sara tandem ay itinuro sila ni Engr. Zaldy dela Rosa sa covered court sa loob din ng memorial circle.

Subalit may kapasidad lamang itong 3,000 katao.  Bakit anong tingin nyo sa BBM-Inday Sara tandem, nilalangaw?

Nauna nang nagtungo sa opisina ng QCMC ang mga kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem noong Nobyembre 25, 2021 para magpa-reserve sa gagawin nilang programa sa Liwasang Aurora ng nabanggit na lugar.

Ayon sa kanilang naka-usap na isang empleyado ng QCMC ay free o bakante raw ang Disyembre 6-9, 2021 base sa kanilang logbook.

Sinabi ng empleyado na ito ng QCMC na magte-text na lang siya sa kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem kung papayagan silang gamitin ang Liwasang Aurora.

Sa halip na payagan ang BBM-Inday Sara tandem sa Liwasang Aurora ay sinabing gagamitin daw ito ng QC government.

Obyus na ayaw n’yong ipagamit ang area, una nang sinabi ng inyong staff na free o bakante sa petsa na ‘yan tapos kalaunan ay sasabihin nyo gagamitin ng QC ­government?

Dahil dito, personal na kinausap ng mga kinatawan ng kampo ng BBM-Inday Sara tandem si Engr. Zaldy Dela Rosa, action officer ng QCMC, subalit wala rin ­silang nakuhang malinaw na sagot nito. Tsk! Tsk! Tsk!

May mga sulat na ring ipinadala ang kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem sa Quezon City government para sa kanilang request na makapagsagawa sila ng program sa Liwasang Aurora sa Quezon City Memorial Circle, subalit wala pa ring sagot ang lokal na pamahalaan.

Base sa nakita nating ­usapan sa pagitan nina Engr. Dela Rosa at kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem ay tila pinaiikot lamang niya ang kanyang mga kausap at halatang ayaw nilang ipagamit ang lugar.

Kuwestiyon ng kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem, bakit naman daw sina Sen. Mar Roxas at Vice President Leni Rob­redo ay nagsagawa ng political event sa QCMC na ­pinayagan ng QC government?

Malinaw na pinipili lamang ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang kanilang pinapayagan na magsagawa ng programa na may kinalaman sa pulitika sa Liwasang Aurora ng QCMC.
Hindi na lang diretsuhin ni Engr. Dela Rosa ang kinatawan ng BBM-Inday Sara tandem na hindi sila papayag sa gagawing ­programa sa Liwasang Aurora ng QCMC, kaysa pinaaasa n’yo pa!
Hamon ngayon ‘yan sa mga taga-QC na supporters ng BBM-Inday Sara tandem na ipakita n’yo na kahit hindi magkaroon ng programa sa loob ng QCMC ay mananalo ang dalawa sa darating ­na halalan sa May 9, 2022 ­national at local elections.

Ipakita n’yo rin sa mga kandidato ng lokal na ­pamahalaan ng QC na hindi kayo nila kayang diktahan.

Alam n’yo na kung sino ang inyong mga iboboto.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment