BI COMM KAPIT TUKO SA PUWESTO?

0

TILA isang teleserye na gaya ng Ang Probinsyano ni idol Coco Martin ang walang kamatayan na pag-abang ng mga taga Bureau of Immigration kung kailan mapapalitan sa pwesto si ­Commissioner Jaime Morente.

Maituturing na raw kasi itong overstaying sa pwesto kaya dapat lang ay palitan na ito.

Kamakailan ay isang balita ang kumalat sa ahensya na isang retired Colonel umano mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakaabang na papalit kay Morente anumang araw.

Ililipat naman umano si Morente sa mas tahimik na puwesto dahil na rin sa kaliwa’t kanang isyu na kinasasangkutan ngayon ng ahensya.

Hmm.. Gaano kaya ito katotoo Mr. Commissioner?

Sabagay mula pa noong pumutok ang mga balita ng alegasyon ng katiwalian sa isang satellite office ng BI sa SM Aura ay todo tanggi at hugas kamay dito si Morente at inalis lamang sa puwesto ang kanyang ­dating itinalaga na hepe.

Maging noong nasibak sa puwesto at nakasuhan ng plunder ang dalawang Deputy Commissioner ni Morente na sina Al Argosino at Michael Robles.

Matatandaang dahil sa pagtanggap umano ng 50 Million pesos sa umano’y middleman na si Wally Sombero upang pakawalan ang halos 1,300 na illegal Chinese workers na ina­resto sa isang raid noon ng mga tauhan ni dating intelligence division Chief Charles ­Calima sa isang resort ni Jack Lam sa Pampanga ay naging buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Morente.

Gaano rin kaya katotoo Sir na kahit back to barracks na ang isa mong kanang kamay na aktibong opisyal ng PNP ay siya pa rin ang nagpapatakbo ng Bureau at dummy lang itong Bisayang Kalbo na si Mang Gorio?

***

Samantala, matapos ang ­ating pambibisto sa kalokohan ng isang tauhan ng Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng BI na si Alias GL ay patuloy pa rin umano ang kanyang fixing activities sa BI Main Office sa Intramuros.

Pero ipinapadala na lamang niya ito sa kanyang alalay?

Ganito ba kalakas ang loob ni alias GL kung kaya’t hawak niya sa leeg itong ilang opisyales ng BI Legal Division?

Paging DOJ Secretary Menardo Guevarra Sir!! Muli, pakisilip nga po ang lifestyle ng ­kumag na ito na marami umanong tagong yaman kagaya ng isang mansion sa exclusive village sa Cavite?

Maging ang raket umano ng Huayi Group at ni Alias Charlie sa pagpaparating ng mga Chinese nationals sa NAIA na fake ang endorsement ay patuloy na nakakalusot? Magkano kaya? Abangan!!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon ay itext lamang ako sa 09158888410.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment