LUMAPIT sa PUNA ang isang 17-anyos na batang babae kasama ang tiyahin para isumbong ang paggamit ng kanyang mga larawan sa isang fake account sa facebook.
Galing pa sa Pampanga, ang isang batang babae kasama ng kanyang tiyahin at kaibigan natin na nasa awtoridad din para hingin ang tulong ng PUNA.
Itago na lang natin ang kanyang pangalan sa ‘Lorelyn’, gumawa raw ng dummy account ang isang grupo na may pangalang ‘Mark Pangan, Mark Itan Pangilinan, Pampanga’s Patid’.
Ang grupo ay kinilala ni Lorelyn na sina She Regala, Jessa Montilla, Fox Figuerroa at Cristina Mallari na isang bakla raw.
Ang mga ito ay pawang mga taga San Matias, Minalin, San Fernando sa Pampanga.
Nagsimula ang paninira nila kay Lorelyn noong nakaraang Sabado at para mabasa ay in-add pa ng mga ito ang Ina ng bata na nasa abroad para mabasa mismo nito ang kunwaring siya ang may sinasabing kalaswaan.
Kaya nanawagan ang kawawang bata na gusto niyang makasuhan at makulong ang mga naninira sa kanya.
Hindi pa nakukuntento ang grupo dahil naglagay pa ng mga hubot-hubad na larawan sa ginawa nilang fake account na ang picture profile ay si Lorelyn.
Sinasabi raw ng grupong ito na si Lorelyn ay isang pokpok, nagpalaglag ng baby at may jowa raw na sugar daddy.
Kaya pati ang tita ni Lorelyn ay nanawagan sa mga kinauukulan na mahuli ang mga ninirang puri sa kanyang pamangkin.
Nagalala siya na baka kung anong gawin daw ng kanyang pamangkin dahil sa problemang inaabot na paninira ng grupo.
Na-video chat naman ng PUNA ang ina ni Lorelyn direkta mula sa abroad, sabi niya sa atin nakaka-high blood daw ang kanyang mga nakikita sa wall ng mga fake accounts na ginawa sa anak niya ang nakalagay na picture profile.
At sinadya pa raw talaga na i-add siya para makita niya ang usapan sa group chat.
Nakachat niya raw ang nakapangalang account na Mark Pangan, at alam niya babae raw ito at inggit daw sa anak niya base sa mga pinagsasabi nito.
May binabanggit daw sa kanya itong Mark Pangan na may jowa raw na sugar daddy, pokpok at nagpalaglag ng baby ang kanyang anak.
Kaya gusto niyang maparusahan ang ginagawang cyber bullying sa kanyang anak, kaya tuloy nai-stress ang kanyang anak.
Masyadong nag-alala ang ginang sa kanyang anak dahil problemado ito sa ginagawa sa kanya ng grupong naninira sa kanya.
Nanawagan tayo sa mga kinauukulan lalo na sa cyber crime division ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na mabigyan ng leksyon ang mga gumagawa nito.
Kawawa naman ang kanilang biktima lalo si Lorelyn na menor de edad pa, baka hindi niya kayanin ang problema na ito.
Lalo pa ngayon dahil malayo sa kanyang piling ang kanyang ina na nasa abroad nagalala sa kanyang kalagayan dahil nai-stress na raw ito.
Ayon sa pag-iimbestiga ng PUNA, ang grupong ito ay posibleng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kaya malalakas ang loob na magbanta kay Lorelyn.
Binanggit din kasi ng grupo na papatayin daw nila si Lorelyn kapag nakita nila ito.
Hindi na maganda ang ginagawa ng mga ito sa kawawang bata.
Kaya hindi po natin titigilan ang isyung ito hanggat hindi nabibigyan ng hustiya ang kawawang bata.
Kung kinakailangan samahan natin sa PNP at NBI ay gagawin natin.
Payo po ng PUNA sa bata ay mag-ingat siya at iwasan na ang mga ganitong klaseng tao na walang maidudulot na mabuti sa kanya.
Dun naman po sa mga kamag-anak ng batang ito ay tulungan nyo siya na hindi siya ma-stress.
Ingat po tayong lahat sa COVID-19, Stay @ Home, kundi man ay isuot lahat ang kinakailangan para hindi mahawaan ng virus.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at operario45j@gmail.com.
174