BILYONG TUBO SA TUBIG MULA SA TUYONG GRIPO

USAPANG KABUHAYAN

Nagulat ang marami nang mag-anunsyo ka­makailan ang magkapatid na bilyonaryo na sina Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala na inaako nila ang kasalanan sa naging pahirap na water shortage sa milyun-mil­yong residente ng Metro Manila nitong nakaraang buwan at bilang parusa ay inililibre nila ang bayad sa tubig doon sa mga lugar na tinamaan ng total cut-off. Isa ako sa mga hindi magbabayad ng water bill sa buwan ng Marso dahil isang oras kada araw sa loob ng dalawang linggo lang ang aming water supply sa Mandaluyong.

Pero sa panulat ng kaibigan ko na si Val Villanueva sa kanyang column sa Business Mirror, sinabi sa kanya ng isang eksperto sa supply ng tubig na dapat daw ay maghanda na tayo para sa mas matinding water shortage sa susunod na taon dahil mag-uumpisa na ang operasyon ng Bulacan Bulk Water Supply Project ng San Miguel Corp. na kukuha din ng tubig mula sa Angat Dam kung saan malaking parte ng tubig  ng La Mesa Dam kung saan kinukuha ng Manila Water Co. ang halos 40 porsyento ng supply nito ng tubig. Eh hindi ba kaya nagkaroon ng water shortage nitong nakaraan ay dahil bumabang bigla ang level ng tubig sa La Mesa Dam?

Ang siste nito ay hindi natin alam o hindi natin napansin bilang customers ng Manila Water at ng Maynilad na tumaas na pala ang bayad natin sa tubig ng 900 porsyento para sa Manila Water at 600 porsyento para sa Maynilad simula nang hawakan ng dalawang kompanya ang supply ng tubig sa Metro Manila noong 1995. Umayos nang kaunti ang supply ng tubig pero marami pa ring lugar gaya roon sa Parañaque, Rizal at sa mga subdivision sa Quezon City ang hirap pa rin sa tubig kahit na tumaas pa ang bayad nila.

Kasabay nito ay ang pagtaas ng tubo ng dalawang kompanya ng tubig na umabot na sa P3.3 bilyon para sa Manila Water at P5 bilyon para sa Maynilad noong taong 2018. ‘Yan ang kita nila matapos na tanggalin ang gastos sa mga bagong network ng mga tubo para sa mga bagong customers nila at sa buong operasyon nila. Maliit kung ikukumpara sa kita ng mga may-ari ng nasabing kompanya sa iba nilang negosyo, pero sino ba ang may kayang kumita ng bilyun-bilyong piso kada taon sa inyo?

Kailangan nating bantayang maigi ang mga nangyayari sa dalawang kompanya na ito para masigurong maayos ang kanilang serbisyo lalo na at nakuha nila ang negosyo mula sa go­­byerno at nakukuha nila sa taumbayan ang kita nila. (Usapang Kabuhayan / BOBBY CAPCO)

163

Related posts

Leave a Comment