BLOOD IS THICKER THAN WATER

MAS matimbang ang kadugo kaysa mga udyok lamang ng iilan na marahil naging dahilan ng pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya hindi siya tumakbo sa pagka-vice president at hindi kinalaban ang kanyang anak na si Inday Sara.

Bagama’t may mga naglalaban-laban na mga miyembro ng pamilya sa mga lokal na posisyon sa eleksyon, subalit hindi pa ito nangyari sa national position.

Hindi rin marahil matanggap ni Pangulong Duterte na ang kanyang anak (Sara) ang makakalaban ng grupo ng kanyang administrasyon kaya ito rin ang nag-udyok kaya tuluyan nang umatras sina Dela Rosa at Go sa kani-kanilang kandidatura.

Sa kabilang banda, nakatitiyak naman si Pangulong Duterte na lahat ng kanyang proyekto na hindi natapos ay maipagpapatuloy ng BBM-Sara Uniteam dahil minsan na rin itong binanggit ng batang Marcos.

Wala rin itinuturing na kalaban si BBM lalo sa kampo ng mga Duterte dahil malaki ang kanyang respeto sa pamilyang ito.

Mas binibigyan ng pansin ng BBM-Sara Uniteam ang panawagan ng pagkakaisa para sa mabilis na pagbangon ng bansang Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19.

Lalo pang lumakas ang BBM-Inday Sara Uniteam matapos tuluyan nang mag-withdraw kamakalawa sa kanyang kandidatura bilang presidente si Sen. Lawrence “Bong” Go.

Si Sen. Go ay nagtungo sa Commission on Elections (COMELEC) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sabay nilang iatras ang kanilang kandidatura.

Noong Nobyembre 15 deadline ng ‘substitution’ ng mga kandidato sa COMELEC, ay nagtungo si Pangulong Duterte para mag-substitute kay Liezl Visorde para sa kanyang kandidatura bilang senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong ­Dakilang Samahan (PDDS) party.

Kasama ni Pangulong Duterte sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Bong Go na umatras sa kanilang kandidatura sa pagka-presidente at bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban.

Si Dela Rosa ay tuluyang umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo, subalit si Go ay umakyat sa pagtakbong presidente sa ilalim naman ng partido ng PDDS.

Sa senaryong ito ay samut-saring reaksyon ang lumabas mula sa taumbayan.

May mga nagsabi na kaya tumakbo si Go sa pagka-pangulo para paghandaan ang disqualification at cancellation of Certificate of Candidacy (COC) ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM).

Sa kabila ng mga espekulasyong ito ay hindi nagpatinag ang supporters ni BBM sa halip ay lalo pa silang nagpakita ng mainit ng pagsuporta sa batang Marcos sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang motorcade na tinangkilik ng napakaraming Pilipino.

Sa pinakahuling impormasyon na natanggap ng PUNA ay nasa 90% na ng Masang Pilipino ang sumusuporta sa BBM-Inday Sara Uniteam.

Sa pag-atras nina Pangulong Duterte, Bato Dela Rosa at Sen. Go sa kanilang kandidatura ay lalo pang lumakas ang BBM-Inday Sara Uniteam.

Unti-unti na rin sumusuporta ang mga kandidato ng PDP-Laban sa BBM-Inday Sara Uniteam maging mula sa national at local positions.

Ang Palasyo ng Malakanyang ay tanaw na para kay BBM! 101% panalo na!

Merry Christmas po sa ating lahat! Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

4

Related posts

Leave a Comment