BULLYING AT IBA PA

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

NAKABABAHALA naman na isa pala ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinakamataas na kaso ng BULLYING.

Lumalabas po kasi sa ginawang pagdinig ng Senado sa pangunguna ni SENADOR SHERWIN GATCHALIAN kaugnay sa IMPLEMENTASYON ng ANTI-BULLYING ACT OF 2023, na nakababahala ang nakasaad sa datos na apat sa bawat sampung (10) estudyante ang nakararanas ng PAMBUBULLY sa mga PAARALAN sa ating BANSA.

Batay sa Paliwanag ni CHILD PROTECTION NETWORK FOUNDATION EXECUTIVE DIRECTOR DR. BERNADETTE MADRID, nasa 65% ng mga ESTUDYANTE ang nakararanas ng BULLYING.

Kung pagbabasehan aniya ang naturang datos, katumbas ng 17.5 MILLION STUDENTS ang nakararanas ng PAMBU-BULLY.

Batay naman sa ipinalabas na DATOS ng DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED), simula nang ipatupad ang batas noong 2013, TULOY-TULOY ang pagtaas ng mga naire-report na mga kaso ng bullying sa mga PAARALAN.

Pinakamataas ang ang kaso ng bullying noong SCHOOL YEAR 2019-2020 o bago ang PANDEMIC na umabot sa 21,521.

Subalit hindi naman kuntento si SEN. GATCHALIAN sa naturang datos ng DEPED dahil batay sa kanyang nakalap na impormasyon ay hindi bababa sa 200,000 ang mga kaso ng BULLYING.

Kung gayon, hindi pala mapagmahal ang mga Pinoy? Gayun kung ating titingnan sa mga tahanan ng bawat Pilipino, makikita namang mapagmahal ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Parang ‘di ko kayang mapaniwalaan na ang mga Pilipino ay bully?! Intsik pa o Chinese, maniniwala ako dahil hanggang ngayon ay binu-bully nila tayo sa sarili nating teritoryo.

Nitong nakalipas na a-sais lamang ng kasalukuyang buwan ay binully na naman tayo ng Chinese Coast Guard (CCG) makaraang tirahin ng mga Intsik ng laser light ang ating mga coast guard na maghahatid ng supply sa mga sundalo na nakabantay sa BRP SIERRA MADRE na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nagsasagawa ang BRP Malapascua ng misyon na suportahan ang “rotation and resupply (RoRe) mission” ng Philippine Navy noong Pebrero 6 sa Ayungin Shoal, nang tutukan sila ng dalawang beses ng laser ng barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na may bow number 5205.

Nagdulot umano ng pansamantalang pagkabulag sa mga tripulante ng BRP Malapascua, ang laser light habang nagsagawa rin ng mapa­nganib na maniobra ang barko ng CCG, may 150 yarda mula sa kanila.

‘Di ba napag-usapan na ng ating mahal na Pangulong BBM at ng Chinese government na wala nang ganyang pangbu-bully na gagawin ang kanilang coast guard? ‘Di ba malinaw na pangbu-bully ‘yung ginawang aksyon na ‘yon ng CCG?!

Ano na naman kayang kagaguhan ang paliwanag ng mga Intsik na yan!!! Baka lumabas pa sa paliwanag ng mga walanghiyang CCG na tayo pa ang may kasalanan!!! ANAK KAYO NG NANAY N’YONG INTSIK!!!

40

Related posts

Leave a Comment