CAYETANO KUMAKAHOL DAHIL MAG-EELEKSYON

HANGGANG ngayon, tila asong kumakahol pa rin itong si dating Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano laban sa e-sabong o online sabong.

Nais daw ni Cayetano na isulong ang mga programang makatutulong upang ­manatiling buo ang pamilya.

Ito raw ang dapat pinagtutuunan ng pansin ng ­Kongreso at hindi ang nakaka­adik na bisyo tulad ng e-sabong.

Well, kung titingnang maigi, matagal na sa Kongreso si Cayetano at naging senador na rin pero puro ngakngak lang daw ang ginagawa nito at pamumulitika.

‘Yung konting libangan ng mga mahihirap na Pilipino ay pinag-iinitan pa ng mamang ito.

Ngayong panahon ng pandemya raw ay mahalaga na mapanatiling buo ang mga pamilya.

Lingid sa kaalaman ni Cayetano, aba’y libu-libong nangangailangang Pinoy sa buong bansa ang natulungan na ng Pitmaster Foundation, isa sa sister firms ng Lucky 8 Star Quest, Inc. na nagsusulong ng e-sabong.

Sa unang taon pa lamang nang walang humpay na serbisyo nito sa mamamayan, nagpaulan na ito ng ayuda sa ating mga kababayan.

Ang Pitmaster Foundation ay nasa pribadong sektor at pinagmumulan ng tulong medikal at pinansyal sa mga naghihikahos na mamamayan.

Pinamumunuan ang Pit­master ni Charlie “Atong” Ang, kasama ang Executive Director nitong si Atty. Caroline Cruz, na walang pagod na nagtutungo sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng banta ng pandemya.

Tinutulungan nila ang libu-libong Pinoy mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Kaya siyempre, tumatak sa isipan ng mga tao ang kahulugan ng ‘PITMASTER’ na “Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief.”

Kahit binabatikos ang Pitmaster, hindi ito tumitigil sa pagtulong. Nagtataka nga sila kung bakit galit sa kanila ang ilang kongresista.

Kahit kailan ay hindi ­naging masama ang tumulong. Kung nakatutulong naman, bakit natin babatikusin ang grupong ito?

Ang polisiyang nais ipa­tupad ni Cayetano na ­ipagbawal ang e-sabong ay malinaw na anti-poor.

Sa susunod, ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa adbokasiya ng Pitmaster.

63

Related posts

Leave a Comment