CCTVs SA BUONG PUBLIC SCHOOLS SA NAVOTAS

EARLY WARNING

Malaking bagay para sa mga pampublikong paaralan sa Navotas ang nangyaring partnership ng Faire Technologies Inc. sa pangu­nguna ng vice president for ope­rations nito na si Norvin Duke Co at si Mayor John Rey Tiang­co kung saan ay nakatanggap ang lungsod ng 330 closed-circuit television (CCTV) ca­meras at 49 CCTV recorder sets.

Siyempre pa, malaki ang pasasalamat ng alkalde sa Faire Tech dahil sobrang makatutulong ang CCTVs sa mga kabataang Navoteño na magkaroon ng ligtas na lugar para matuto at makapag-aral.

HOST SA 15TH REGIONAL PEACE AND ORDER COUNCIL MEET

Nagkaroon ng pagkakataon itong si Mayor John Rey Tiangco (JRT) na maipagmalaki sa ka­-­pwa alkalde at mga police officials sa pangunguna ni National Capital Region Police Office PMaj­Gen Guillermo Lorenzo Eleazar ang accomplishments at contributions ng kanyang admi­nistrasyon kung kaya’t isa sa pinakamapayapa ang lungsod sa Metro Manila.

Bilang host ng gina­nap na Peace and Order Council meet sa Intramuros, Manila, kanyang naipagmalaki ang walang patid na pagbibigay ng mga sasakyan at equipment sa kapulisan, fire department pati sa City Disaster Risk Reduction Management Office.

Sadyang hindi matatawaran ang mahusay na partnership ng magkapatid, Mayor JRT at Cong. Toby Tiangco, dahil ang lungsod at ang mamamayan nito ang tunay na nakikinabang! (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

305

Related posts

Leave a Comment